Monday Sickness
Lunes. Kulang na naman ako sa tulog. Inaantok pa ako pero kailangan kong pumasok. Minsan tuloy, iniisip ko na sana estudyante na lang ulit ako. At least pag umabsent ako, attendance lang ang bawas, prof lang ang magagalit, at buong araw na bum sa bahay habang nagyayakult. Pero dito sa opis, marami ang kaibahan. Isang araw ka lang na hindi pumasok, madami na ang kaltas sa sahod, isang marka sa memo ng attendance, uusok ang ilong ni boss, maiinggit ang ibang kaopisina sa kakaibang katamaran ko, at buong araw na nakaharap sa PC at magkukunwaring may ginagawa. Hindi ko na talaga type ang Monday. Kaninang alas singko lang ng umaga ako nakauwi sa amin, simula pa noong Sabado. Mabuti na lang at kahit papaano e nakapagpahinga na rin ako ng kaunti. At kahit medyo pagod pa, masayang-masaya naman ako sa mga nangyari nitong huling mga nakaraang araw. Lalo na kahapon.
Cheesynini
Kanina pagpasok ko, hindi ko maiwasang makatulog sa bus at sa dyip dahil nga sa antok. Kaya naman susuray-suray ang ulo ko habang nakaupo sa byahe. Ang pinagtataka ko lang e sa tuwing mapapadilat ako e may mga matang nakatingin at nagmamasid sa akin. Hindi ko alam kung bakit. Nalaman ko na lang ang sagot nung pagpasok ko kanina sa opis at dumiretso ako ng CR. Nakita ko ang salarin, may pulang maliit na marka sa leeg ko. Minsan, may iniiwang bakas ang nagdaang gabi.
Para sa iyo
Alam ko na malaki rin ang naging kasalanan ko sa mga nangyari. Hanggang ngayon, pinagsisihan ko pa rin lahat ng kamalian ko. Marami ang hindi nakakaalam na ako naman talaga ang may kasalanan. Kaya nga handa akong tanggapin lahat ng kalalabasan ng pagkakamali ko, at pagkakamali mo. Siguro, eto na yung tamang panahon para ayusin na natin ang lahat. Hindi na ako magpapaliguy-ligoy pa, gusto kong magsimula ulit tayo. Pasensya na kung may mga nababasa ka dito sa blog kong hindi kanais-nais sa damdamin mo. Basta tatandaan mo lang lahat ng sinabi ko sa iyo dati, mananatili at mananatili pa rin akong ganito sa iyo. Dahil ako na may pusong mamon ay madaling tumanggap ng pagkakamali at magmahal ulit. Eto lang muna sa ngayon, hanggang sa muli nating pagkikita. *Eymen*
pare mukhang kakagaling mo lang mula sa isang umaatikabong bakbakan ah. wahahaha! lagyan mo lang ng bandaid yan ayos na. o kung madami naman, pintahan mo ng pentel pen kunyari nunal na ga-bangaw ang laki. wahahaha!
“Minsan, may iniiwang bakas ang nagdaang gabi”
yun ang hirap tas nagpapasya ka pang maghiganti, pagkatapos sya naman ang maghihiganti, sabagay masarap naman ang resulta ng higantihan moments nyo ng salarin…
insan, hayaan mo na lang ako ang maghiganti diyan. asan na ba ang kaaway ituro mo sakin?
lahat na naramdaman ko dito sa post mo. natawa, naawa, nainlab, na-L as in naLungkot! wag bastos… anuvah!
pag hindi nagkasya sa band-aid, try mo ang turtleneck.. ewan lang kung baka matunaw ka sa inti diyan satin.
iba ka!
naaawa ako syo kasi alam ko ang feeling ng may Monday blues. halos hilahin ko ang buntot ko (demonyita kasi ako! hahahaa!) para lang pumasok sa office.
at talagang you’re change!!
o pang 100 pala eh di dapat me premyo ako…at bakit jing na ang tawag mo sa akin? ahihihi..closeness
IDOL KA TALAGA BOSING! wala na ko pwedeng sabihin na hindi ka gaganti. iyon lang hehehe
malandi ka jeck…user friendly…ahahaha… bakit humuhingi ka pa ng pichur ke RJ? eh me resulta na nga ng kalantungan ang entry mo nayun tas hihingi ka pa…ahihihi…
o bakit yung post mo sa taxation chuvaness eh me password na?
turtleneck ang sagot jan… hehehe… uuyy sino kasama mo nung nagdaang gabi ha? yihii!
lintik lang ang walang ganti. ahahaha awwwoooooooh! arf! afr! nyam! nyam! hahaha!
o, quit the emo posts para di na magbura ng blog!
♥
“Ang pinagtataka ko lang e sa tuwing mapapadilat ako e may mga matang nakatingin at nagmamasid sa akin.”
…. siguro nuon lang sila nakakita ng isang malaking kagat ng Lamok hehehehe… pero deep inside naiingit ang mga yon at nasasabi sa sarili “Sana Ako din”
Ikinagagalak ko ng maimbita ka sa aking munting emperyo …
http://barquera.wordpress.com/
Kuya para ka palang yung kaibigan ko…. may monday sickness din… Every monday na lang absent pero sa skul yun….
kaya mo yan… pasok lang palagi…. sayang pera…
kuya comment ka naman sa blog ko….
http://www.emotheraphy.wordpress.com
yan po URL.. You’ll see hindi ka magccc pag pumunta ka sa web blog ko… you’ll see a funny EMO…
nakakatamad naman talaga pumasok kapag monday pwera na lang kung may inspirasyon ka sa opis na namimiss mo kapag weekends..hehe! inspirasyon ba!
at bakit naman kasi di ka nag iingat gumaya ka pa kay pareng maldits..kanino naman yan? kay choverlyn? lols!
pero maganda yang ginagawa mo pards..hindi ka nagtatanim ng sama ng loob. may pinagsamahan rin naman kayo ng ex-gf mo. bilib ako sa mga taong kayang tumanggap ng mga pagkakamali nya at gumagawa ng paraan para maayos to. goodluck pards!
Pasalamatan magiliw balutin…
Kung ka mangilangan A Blog , subukin sa tumingin “Leoxa.com”
( ang paksa ay pagayon nakatutuwa )
nakow, kaya pala inaantok kasi late ka na natulog nung nakaraang gabi. at di mo na kelangang sabihin kung ano yun. “cheesynini” na ang ebidens. haha