BAGO ngayon ang station ko dito sa opis. Naka-flat screen na ako. Microsoft office 2007 na rin ang gamit namin. Kaya medyo hilo pa ako sa adjusting period dahil hindi ko na naman makita ang pipindutin na dapat pindutin at ikiki-click na dapat i-click. Pero mas okey naman ngayon kasi ang ganda ng keyboard ko kaya lalo akong ginaganahang magsulat. Pinalipat na rin ako ng upuan. Ayos na ayos. Hindi gaanong malamig dito sa pwesto ko. At pwedeng makinig ng music direct from the monitor. Astig. Makapag-search nga ng ”Chiquitita’ sa Imeem at mapatugtog sa opis. Tamang trip lang. mwehehe.
Sa totoo lang, masaya na rin ako dito sa trabaho ko. Kung hindi lang taas o rate ng sahod ang pag-uusapan, okey na rin naman. Kaya pa. Kung tutuusin, maliit lang na pagbabago ang naganap ngayong bago na ang mga PCs at working stations. Dahil andito pa rin ako sa dati kong opisina. Same old paking boring work. Ang attitude ko na lang sa work ang nagbabago.
Sabi ng isang manunulat, walang malilikha o maisusulat na bago ang isang may akda. Dahil lahat ng isusulat ay naisulat na at napag-isipan na dati pa. Marami nang gumawa ng tula tungkol sa pag-ibig, sa kasawian, sa saya at marami pang iba. At magpa-hanggang ngayon, may mga sumusulat pa rin ng ganitong tema. Pare-parehas lang ang ideya, pare-pareho lang ang topic. Nagkakaiba lang ng anyo o istilo ng pagsusulat pero yung nilalaman at mensahe e gaya rin ng mga nauna. Sa tingin ko, ang buhay ay tulad din ng literatura. May mga pagbabagong nagaganap sa ating buhay na nakakonekta pa rin sa ating nakaraan. Hindi na natin maaalis ito dahil dito tayo nag-umpisa at dito tayo natututo.
Gaya na rin ng blog ko na ‘to. Ginawa ko ito hindi para tigilan ang nasimulan ko na dati, kung hindi para ipagpatuloy ang gusto ko – ang magsulat. Kasama ng pagsusulat ang pagbalik tanaw sa aking nakaraan para makita ko at maalala ang aking mga pagkakamali. Kasabay ng pag-alala ko sa mga episodes ng Batibot at Doraemon nung ako’y bata pa, sama na rin ang Baywatch.
Para saan ba talaga ‘tong post na ‘to? Marahil may mga nagtataka sa inyo kung bakit naka-password protected na ang iba kong posts. May mga dahilan akong personal at di ko na nais ipaalam pa. Isa pa, ngayon ko lang din naisip na hindi pala lahat ng sinusulat ko e gugustuhin kong mabasa ng mga taong nakakakilala sa akin. Kaya ginawa kong private muna yung mga posts na yun.
May mga pagbabago lang ding magaganap sa buhay ko na hindi naman talaga bago. Tinuturing ko na lang itong pagpapatuloy sa dati ko nang naumpisahan. Kasama niya. At ngayon, taos puso akong magsusulat ng may kaunting pagbabago o sasabihin ko nang pagbabalik sa dati ko nang nakaugalian. Kasama niya – ulit.
hmmm… ganda naman ng monitor mo.. nainggit ako..
at nainggit ako.. kasi nasa lunch kayo ngaun.. di ba???
aba naman…napansin siguro ng bossing mo na hindi ka inspired magblog sa luma mong terminal at pc..kaya ayan inupgrade nila para lagi ka daw ganahan magblog..saan ka pa? jan ka lang makakakita ng opisina na suportado ng management ang blogging prowess mo…
ayz, hindi ako nakasama. may meeting kasi kami. ayheyt may work. baka gayahin ko na si jason. wehehe
jing, hindi nagbabasa si bossing ng blog ko. kung malaman man nya to, eto lang masasabi ko sa kanya: GET LOST! bwehehehe
hehe! meron ding isang bakanteng lcd monitor dito at pinapagamit nas akin ng boss ko..sayang daw kasi pang display lang. papatusin ko na rin siguro dahil mas magandang manood ng mga pelikula dun. widescreen pa. lols!
ayos lang yang mga password protected entries na yan. karapatan ng bawat blogger yan eh. asus! mukhang kasama mo na ulit si clang..ahihi!
jex, anong YM ni gasti???ahihi, bilis me pasalubong ka…
huwaw. eh di happy ka na ulet? sama ka ba sa ktv on the 31st set by chie? sama na. i might join too (di pa ko nagpapaalam eh)
tama ba basa ko? “kasama niya – ulit”?
yahu! ahaha.. namimiss na kita pare koy
ano nang nangyari sa higantihan? antagal naman.
batibot, doraemon at baywatch? parang may naiiba. hahaha hilig ka rin pala sa mga baktung…ni david hasselhoff! hahahahah!
Kasama niya – ulit.-sino yan?hmmmm..palaisipan ah…ahahha…..hmmm…hmmm…ahhhh…ako bago din..bago lang pinutulan ng internet..ahehhehe,,
ok lang na pw protected, sabi nga nila less “talk” less mistake.. hehe…