Sampung bagay na gustong-gusto kong gawin ngayon

21 05 2008

1. Manood ng TV. Miss ko na yung gigising ako sa umaga tapos magtitimpla lang ng kape at didiretso sa harap ng TV tapos manonood ng mga kiddie shows. mwehehe. Nakita ko rin sa commercial nung isang araw na binalik na yung “Huckle Berry Finn” kaso nga umaga pinapalabas. Sayang.

2. Bumalik sa kama at humilata ng tatlumpung minuto kada isang oras. Tapos, magbabasa ng FHM ‘pag inaantok. Tapos magpapa-init… ng tubig para magkape.

3. Magkape. Kuntento na ako sa 3 in 1. Ayoko kasi nung kape sa mga mamahaling café. One time bumili ako ng hot cafe mocha, gumana yung pagka-ignorante ko. Kumuha ako ng straw sa tapat ng cashier. Ayun, paghigop ko, laplos ang kalahati ng dila ko.

4. Manood ng cheesy Pinoy movies. Nung isang araw, nakapanood ako sa bus ng pelikula nila Jericho at Kristine Hermosa. Ang title yata e “Ngayong Nandito Ka.” Paano ko nalaman ang pamagat? Ilang beses kasing pinatugtog yung theme song na yan sa kabuuan ng movie. Oo, natapos ko yung pelikula. Imadyin, mga sisters nakatapos ako ng isang baduy na pelikula. haha. Trapik kasi nung sumakay ako kaya wala na akong nagawa kung hindi ang manood. At sakto namang maganda rin ang istorya. Ayun, medyo napaiyak ako sa mga linya ni Echo, lalo na dun sa sinabi nya kay Kristine na ‘hindi na ako manggugulo sa inyo’ with matching iyak-iyak. Medyo naluha nga ako e kasi nakaka-relate ako sa kanya. Natigil lang ang senti moment nung mapansin kong lahat na rin pala ng pasahero e nakatutok na rin sa TV. Maganda rin palang manood ng mga ganung pelikula, nakaka-antig din ng damdamin. Kaya gusto kong bumili at manood ng iba’t-ibang cheesy pinoy movies. hehe.

5. Makinig ng version ni David Cook ng “Always be my baby” nang paulit-ulit. At gusto ko yung malakas na malakas hanggang sa matulig ang tenga ko at lumabas ang mga tutuli.

6. Kumain sa yellow cab o sbarro ng paborito kong pizzas. Ilang buwan na rin akong hindi nakakain dito. Wala rin kasi akong makasama, pero sa tingin ko makakain na ulit ako na may kasama. (Kung nababasa mo ‘to, alam mo na kung saan mo ako dadalhin. ahihihi)

7. Sumigaw ng malakas sa opis at bulyawan ang mga taong madaming inuutos. Gusto kong sabihin na: “TAMA NA! TAMANG TRABAHO LANG IUTOS NIYO. YUNG SAPAT LANG SA SWELDO KO! AKO PINAKAMABABA ANG SAHOD DITO! HINDI AKO TEAM LEADER!!”

8. Mag-sorry sa mga opismeyts na makakabasa ng number 7. Please, I demand a raise, or else.

9. Maglakad along Ayala Av at magmuni-muni sa takbo ng career ko. Kung magreresign na ba ako o hihintayin ko muna syang makalipat ng trabaho malapit dito sa amin. Pero gusto ko na ring mag-resign talaga. Isip-isip muna.

10. Maglista sa blog ng sampung bagay na gusto kong gawin ngayon pero hindi ko pwedeng gawin at yung iba e hindi ko pa magagawa. Tae.


Mga Tugon

Kaalaman

24 sumagot

21 05 2008
madbong

idol mo pala si david cook ahehe. paano nangyari yung tinanong ko sayo? bulong mo sakin dali…….e di ngiti mo hanggang tenga ngayun!


hindi ko sya idol. gusto ko lang yung kanta at way ng pagkanta niya. ahm, iba-blog ko na lang kaya. kaso mahabang istorya. ahaha. syempre naman. iba yung saya ko ngayon. wehehehe

21 05 2008
madbong

payong kapatid bro, wag mo na i-blog ang masyadong personal (pero kung gusto mo i-email sakin ok lang bwehehe)

ahahaha. sige, try ko ah. pag may time ichichika ko sa iyo. mwehehe

21 05 2008
Lyzius

anong basa sa sbarro? isbaro ba o sabaro? sensya na ignoramus ako at walang malay sa mga alta sosyedad na yan…gusto ko rin yung number 7. kaso lang maglalayas na ako di ba, so kelangan ko magpakabait in time…

me pasalubong ako sa mga lashing heroes…piem na lang ako kung sino kukuha…

sabi ng kaibigan kong adik, SUBARO daw talaga ang basa dun, sabi naman ng friend kong bisaya, sobaro. pero ako ang banggit ko dyan e – Es-Bar-Ow. mas susyal pakinggan. hehe.
anong pasalubong mo? sige ako na lang kukuha. message na kita. ehehe

21 05 2008
beero

peyborit mo din pala yung huck finn. adik ako dun nung bata pa ko. hehe. parang nagsecond childhood nga ako nung makapanoog ako nung may 1 eh. hehe. medyo matagal na nga rin pala akong di nakakain ng pizza. ok na sa kin kahit sa greenwich lang. hehe. mahal kasi sa sbarro.hehe.

haha. peyborit ko yang huck finn, lalo na yung kantang “bahay ni huck, ginagawa, ginagawa, bahay ni huck ginagawa, magagawa na rin!” yebah! hehehe. sana nga makapanood din ako, meron ba nun sa Net? minsan lang naman ako kumain dun, trip ko rin ang greenwich e kaso wala na yung grilledbeef nila.

21 05 2008
apollo

huck finn? yan ba ung friend ni tom sawyer? hehe… i remember it from my school days… maganda nga yun kung ganun.

oo. BFF sila. ahahaha

21 05 2008
rio

manlibre ka kapag tinaasan na sahod mo ha…=)
napadaan po at nakibasa…
pwde po bang -links? thanks…=)

sige, hopefully. hahaha.

21 05 2008
eloiski

weehee!
ung number 1 ang pinakapaborito kong gawin hanggang ngaun.
manood ng manood ng tv.

bwahahaha! buti n lng nga at bakasyon ngayon dahil makakatv marathon ako.
wapak!

kape ko rin na iniinom eh 3 in 1. pero pag may test hindi ok sa akin ang kape. inaantok nman ako. amP!

~wala lang po. napadaan at nakicoment!~


namimiss ko na rin yang sembreak, sana meron din sa work nyan. ahaha. sige, daan ka lang lagi. hehe

21 05 2008
chroneicon

ok yan, at least 9 na lang ang di mo nagagawa. goodluck sa 7! haha

nagawa ko na yung nine! niyehehe. yung 7, hanggang basa na lang sila. hehehe

21 05 2008
antuken

ang gusto ko naman sa sbarro’s yung baked ziti nila. everytime pumupunta ako dun, yun ang inoorder ko. tsaka chicago pizza ata (kung di ako nagkakamali). haay. nagutom tuloy ako bigla. sama ka na sa 31. sige na. hehe.

masarap yung chicago pizza yung white din. hehe, tingnan ko muna kung makakasama ako. hehe

21 05 2008
NEEX

waw, david cook. ahehe.. actually masarap ding manuod ng mga pinoy movies kahit cheesy yung iba. mas madaling makarelate kasi (para sakin). hehe

panalo si david cook! yipee. archuleta poreber! LOL

21 05 2008
kengkay

sama ako dun sa number sex, eheste, six pala :D

ahahaha, si ate kengks naman oh. dyslexic ka? salamat at nabisita mo ako dito. hehe

22 05 2008
bishi

humayooh kahhh kaybigang tom sawyer! teka pareho ba yun? kasi andun din si huck eh. hakhak nakakagutom. gusto ko ng chigago white sa isbarow. hehe

ibang cartoon naman yan. yan yung kay tom. saulado ko pa rin yung openins song nyan e. astig din yan. hehe. kain tayo sa sbarro. haha

22 05 2008
GODDESS

sana ang buhay simple na lang noh? nuing bata ako panay reklamo ko na walang nagyayari sa buhay ko.. ngayon naman, araw araw na dasal ko sana naman tama na!!!

alam ko magulo… kailangan ko lang mag-vent at napagtripan ko ang blog mo! ahahahaha!!

peace tayo jecdkjeck!! teka… dapat exlink na to!!

22 05 2008
emotheraphy

hihii….
type kong gawin ung number 2…
humilata tapos magpainit…. ng kape… hihii
LOL..
eiii… visit my web blog naman..
http://www.emotheraphy.wordpress.com
yan po URL…
thanks po kung magcocoment ka…
….

22 05 2008
damdam

ay miss na miss ko ng ginagawa yung number 1! .. huli ko atang ginawa to e High School pa ako nun.. :(

gusto mo ng sbarro at yellow cab? ako sawang sawa.. sige minsan kain tayo.. pero ikaw pumunta dito sa eastwood! nyhahahaha!

22 05 2008
watusiboy

david cook? ako rin ay guilty dyan. at yehey nanalo sya. ang peyborit kong pinoy cheesy movie ay yung kay sharon cuneta at kay aga muhlach. kung ako na lang sana yata ang title. hehe

23 05 2008
R.J.

sana may nadodownload nga na huck finn na tagalized version. hehehe. magagaling kasi ang mga dubbers ng channel 2. miss ko na yun! hehehe pati si tom sawyer kaso pasulpot sulpot lang si huck dun eh. heheh saka ampangit ni huck sa tom sawyer, para syang anak ni injanjo. hehehe.

makasaysayan ang paglalakad sa ayala ave pare. madami kang maiisip na kung ano ano. diyan din nabuo ang pagmamahalan namin ni tabachoinkchoink eh, dahil gabi gabi kami sabay umuwi papuntang mrt. yiheee! hahahaha!

23 05 2008
linglingbells

naks!! may bago na siyang kasama sa pagkain ng pizza sa sbarro!! :D

gusto ko rin yung version ni david cook ng always be my baby.. lalaking-lalaki yung dating!!

23 05 2008
aga

asust… kaya mo yan kid!!! :)

23 05 2008
ellieshe

Hi Kuya…hmmmnn astiging mamon k na pala ngayon…hehe..wish ko lahat ng nakilista jan magawa mo ;-)

23 05 2008
bishi

libre! libre! libre! hehehe hindi ko maalala talaga yung kartun ni huck. basta ung sa tom sawyer kasi dugyot si huck dun kaya di ko sya type :D

23 05 2008
jojie

jeck!!!! andito ka na pala. buti na lang nahanap kita. ayaw mo na ng kamote, mamon naman.

ge update ko blogroll ko para sa’yo.

P.S

off topic. :D

24 05 2008
koreanmine

pinoy cheesy hehe may kasamang paburger b yuon?

ako guilty basta aga movie, walang keso kesohan, watch talaga ako :D

25 05 2008
Aling Baby

type kong gawin ung number 4…nakakamiss manood ng mga pinoy cheesy movies, khit luma may epek pa rin hehehe…

at…ang number 7 din, kaso pagkatapos ko gawin yon baka mag-declare ng gyera mga amo ko dito, mga iranian kase eh. :D

Mag-iwan ng puna