BAWAT umaga, hinihintay kita sa lugar kung saan tayo unang nagkita. Umaasa ako na darating ka kasabay ng pagsabog ng liwanag, at ang mundo ay unti-unting nagiging maingay sa busina ng mga sasakyang dumadaan. Sumasabay ako sa takbo ng mga taong nagmamadaling pumasok sa kani-kanilang trabaho. Naghihintay ako sa isang sulok ng aking pangugulila at pagkabalisa.
Una pa lang, alam kong ikaw ang magliligtas sa aking pagkabagabag. Madami na ang dumaan ngunit batid ko na ikaw ay sadyang kakaiba. Nakuha mong ibalik sa akin ang masasayang alaala na nalimutan ko na. Ang masayang pakiramdam nung ako’y natutong sumakay sa bisikleta, habang dama ko ang hangin na dumadampi sa aking mukha. Ang ligayang naramdaman ko nung ibinili ako ng nanay ko ng robot na Voltes V. At nung gumising ako ng isang umaga na hindi na ako maglalanggas pa. Masaya lahat ang karanasang iyon. Ikaw lang ang nagpadama ulit sa akin.
Natatandaan ko pa, nagmamadali akong pumasok noon sa opisina. Kulay pula at dilaw ang suot mo. Mga ilang araw rin ang nagdaan bago ko napagtanto na yun ang uniform niyo dahil araw-araw na ganun ang kulay ng iyong suot. Nabighani mo na ako dati pa. Tuwing umaga ay sinubukan kong sabayan ka sa pagpasok, hindi ako nagkamali ng oras ng iyong pagdaan. Simula noon, naging masaya ang byahe ko sa tuwing makakasabay kita pagpasok. Kahit mabilis at saglit ang byahe ay sinulit ko ang bawat pagkakataon na nakakasabay kita. Binalik mo ang ngiti sa aking mga labi. Naramdaman kong unti-unti akong bumabangon sa aking pagkakadurog at dahan-dahang nagkakaroon ng kulay ang paligid.
Maayos na sana ang lahat.
Nasasanay na akong kasama ka ngunit isang araw ay bigla ka na lang hindi sumipot sa ating tagpuan. Alam kong hindi ko kailangang umasa dahil wala namang namagitan talaga sa atin kung hindi ang pagsabay ko sa iyo. Subalit labis akong umasa at nag-akalang makakasabay pa kita nang matagal. Nawala ka na lang bigla at nagsimula ulit akong mangulila. Dinamdam ko nang lubusan ang pangyayari, at magmula rin noon ay lagi na akong nahuhuli sa pagpasok. Hindi na ako nakakagising nang maaga. Tinadtad ng late ang attendance ko sa opisina. Gumuho ang aking mundo. Mas lalo akong nasaktan nang isang umaga ay nakita kita ulit. Ngunit hindi na kagaya ng dati ang iyong pagdating. Mabilis mo akong dinaanan. Ni hindi ka man lang tumingin sa akin. Ipinarating mo sa akin na ako ay isang walang kwenta at mabahong amoeba. Masakit. Sobrang sakit. Simula nung araw na iyon ay hindi na kita nakakasabay kahit iisa lang ang ating daan at madalas pa rin kitang nakikita.
At ngayon, ipinipinid ko ang pinto ng aking puso tulad ng pagsara mo ng iyong pintuan sa isang pangarap na di sana’y napakaganda. Hindi na kita ulit makakasakay pa, alam ko. Pero umaasa pa rin ako na isang araw, malalaman ko kung saan kita ulit makakasabay. Sa lugar kung saan walang mga buwayang manghuhuli sa iyo sa tuwing ikaw ay magpapasakay. Pagka’t alam kong ikaw lang ang bus na tumatakbo na hindi punuan. Na mabilis na binabagtas ang kahabaan ng Skyway na walang hintuan. I heart you, Roval.
ulangya! ang akala ko magsasara ka na naman ng blog mo! hahaha! roval pala ang bus na iyong iniibig. sa amin din sa valenzuela, isa lang ang gustung gustu naming nakikita sa edsa na dumadaan. ang santa rosa bus liner. tanong mo sa kapatid ko, suki iyon doon. hahahaha!
akala ko st. anthony. susmariano!
eh kasi pula at dilaw ung color e. kulay jollibee ahahaha
una ko ding naiisip baka magsara pero nabasa ko na utak ni april boy-ang lalakeng tomboy, na me twist ang kwentong ito.
herherherher.. sabe ko na nga ba e.. wala lang.. papansin lang ;P
hahaha! ang una kong naisip, yung mga metro aides. mali pala ako! ayos sakyan yung roval mabibilis magpatakbo. napapadasal ako pag nasasakay dun. loop na lang kulang para ka ng nasa space shuttle sa ek.
bus! tama ako! hehe.. pero ngayon ko lang narinig yung Roval.
iniisip ko kung si McDo talaga yung tinitibok ng puso mo eh.
kasi sabi mo dilaw at pula hehehe…
ang kulit!
Si Roval, si Roval na walang malay!
Sana magkabalikan na kayo.
dela rosa kaya yung bus. hindi santa rosa. hehe mali kuya ko. kala ko tao. bus pala. hehe
sa dinami dami ng babaeng nalilink sayo hindi ko na mahulaan kung sino sa mga yun ang tinutumbok ng entry na to. tapos sa huli..bus lang pala. hayuf! san mo ipapasak yang ano mo? sa tambutso?
grrr…nice one bro! akala ko magha-hiatus ka na naman at magdi-delete ng blog. ‘nak ng teteng. akala ko chikababes ang tinutukoy mo. hehe.
,yun na yun? kala ko girlalo..nyaaahaha..
hayuffffffff!
ibang klase ka pala pag na inluv!
bka kahit balat ng candy papatulan mo
i luv u saulog hehehe (buhay pa ba tong buslines na to?)
Fota. Akala ko kung ano na. Parang love story pa naman ang intro. Haha.
wahahha. akala ko lablayp na.
chenes! amf!
ako naman i heart eso nice!
hehehe!
i heart this entry.. awww..
tae ka! kala ko heartbroken ka! che! (mangiinggit pa naman ako kasi ako inlab! bwahahahaha!)
[...] kaya naisipan kong magpahatid hanggang Makati lulan ng aircon bus. Nasa harap ko lang kasi ang Roval na madalas kong sinasakyan pero tayuan na rin kaya minabuti kong sumakay na lamang sa aircon bus. [...]