NITONG nakaraang Sabado ay nagpunta kami ni Labidabs sa MOA. As usual, sinamahan nya akong bumili ng pantalon. Hindi kasi ako sanay na bumili ng gamit nang mag-isa lang. Gusto ko talaga yung may kasama ako para may magsasabi kung okey ba sa akin yung damit, at sya lang ang nakakasama ko na talagang pag pumili ng damit e bagay sa akin. Sinamahan ko rin sya sa kanyang pagpapaganda kaya kahit mga ilang oras akong naghintay sa skin clinic e sulit naman, nagbasa lang ako ng libro ni Jay Panti habang naghihintay at pagtapos nun e masaya na kaming umuwi. Hindi ko na rin ikukwento na nag-alburoto ang tyan ni Labidabs baka kasi magalit sya pag nabasa nya ‘to. hehehe. Hindi ko lang alam kung anong pumasok sa isipan ng mga tao nung Sabado at lahat yata ng naninirahan sa Pilipinas e nasa EM-OH-EY. Andaming tao. Sabi ng iba dahil daw yun sa Pyrolympics kaya madami ang nanood. Pakshit. Nahirapan kaming makahanap ng sasakyan kaya napagdesisyunan na lang namin na sa Chowking Baclaran na lang kumain. Buti na lang din at hindi pa sila nagsasara kahit alas-onse na ng gabi at pasara na sila. Feeling ko tuloy, mga artista kami na kumakain sa exclusive resto kasi kami na lang yung customers na pinagbuksan nila. Ayos din ang service. Talagang naasikaso kami ni Clang. Nagtataka lang ako nung umorder ako ng iced tea e hindi na tinatanong nung babae yung pangalan ko. Nagulat na lang ako na ang name ko sa resibo e ‘Jumong.’ Siguro, na-cutean sa akin yung kahera at nakita nya na medyo hawig ako kay Jumong. Mukha rin daw kasi akong korean. nyehehehe. Siguro, isang pahiwatig yun na magtatrabaho na ako kasama ang mga lahi nila. Nag-aaplay na kasi akong teacher ngayon at ang magiging estudyante ko e mga korean. Hindi ko rin alam kung tatanggapin ko ba yung job offer. Kung sakaling hindi kami magkaintindihan ng mga estudyante ko, isa lang ang isasagot ko sa kanila — “Ja..jajampong!” (Tsaka na lang yung pic ng resibo para may ibidinsya.)
***************************************************
For the fist time in my life e meron na akong pamangkin. Nanganak na kasi yung asawa ng kuya ko. At ang anak nila ay lalake. Nabasa ko lang dati, karamihan daw sa mga adorable couples e nagkakapanganay ng babae. Tingnan mo sila Gabby at Sharon, Richard at Lucy, Tom Cruise at Bradd Pitt, pare-parehong babae ang panganay nila. So it means na yung kuya ko at asawa niya e hindi adorable. hehehe. Joke lang pow kuya. Hindi ko pa nakikita yung baby pero sabi ng nanay ko e kamukhang-kamukha daw ni kuya yung bata. How unfortunate. Joke lang pow ulit. hehe.
Pero dahil sya ang first pamangkin ko, I’m sure magiging spoiled sya sa akin. Huwag lang syang lalaking kagaya ni kuya. hehe. Hindi ba mukhang galit ako sa kuya ko? Hindi naman no. Impak, saludo ako sa kanya dahil hindi sya gaya ng ibang lalake na nambubuntis tapos tsaka iiwan yung babae. At least, si kuya pinlano nya yung pagpapakasal nya at pagkakaroon ng anak. Mabilisan nga lang. hehe. Masaya na rin ako dahil hindi sila gaya ni Jennylyn Mercado na ginaya yung tag line ng commercial ng isang gatas sa TV.
Jennylyn – “I got kinky, I got horny, I got preggy, but see, I learned.”
*********************************************
Gusto kong i-congratulate ang kapatid ko sa pagkakapanalo nila sa pa-liga ng Magnolia sa lugar namin. Hindi lang sila nag-championship (tama ba?) hindi lang sila nag-champion, sya pa ang MVP ng liga! Yehey! Palekpekan! Proud din ako bilang kapatid niya kasi hindi naman ganun kadaling maging MVP no. Lalo na kung 22 years old ka at 5′10″ ang height mo tapos ang mga kalaban mo e mga patpating teenagers na lamang lang ng konting height kay dagul. bwahahaha. Sa totoo lang magandang achievement na yun sa kapatid ko dahil alam kong hilig nya talaga ang basketball. At pinaghusayan niya talaga ang laro nya. Kaya nga nararapat lang na sya ang tinanghal na MVP. Sporty rin kasi ang bawat myembro ng pamilya namin. Kung hindi nyo naitatanong e varsity ako ng pick up sticks nung hayskul at ako ang laging nananalo sa palaro. Ang tatay ko naman e runner dati yung nga lang hindi sya nananalo kasi bago sya maging runner e swimmer sya. Tapos nung tumatakbo na sya e akala nya same rule yung sa 50 meter dash ng swimming kaya nakakailang ulit syang pabalik-balik sa finish line at starting line. Eto nga pala ang pic ng kapatid kong nabiyayaan ng height at kagwapuhan – MVP – Palekpekan ulit!
**********************************************
Kahapon naman e hindi na ako umalis ng bahay para makapagpahinga naman. Hindi na rin ako nagsisimba kahit na sa street namin e dalawa ang simbahan. Sa kanan e Catholic church at sa kaliwa naman e baptist church. Nasa iyo na lang kung saan mo gusto, kung saan maraming chickababes na nagsisimba. hehe. So maghapon lang akong naka-stuck sa bahay at binalak kong mag-blog ng hapon at para na rin makapag-upate ng resume. Sa di inaasahang pagkakataon e nag-brownout. Bechabaygaliwaw! Kung kelan naman Linggo, tsaka pa nawalan ng ilaw este ng kuryente. Kaya yun, nag-yakult na lang ako para maibsan ang aking pagkauhaw. Pero magdidilim na at wala pa ring kuryente. Napansin ko rin na sa kapitbahay naming mahilig mag-videoke (nang wala sa tono) e may kuryente na sila. Pakshit. Kami na lang ang wala. Tumawag na si mama sa meralco bago sya umalis ng tanghali pero alas singko na e wala pa rin ang mga linemen. Si Ignay lang ang kasama ko sa bahay at wala si MVP na marunong talaga pagdating sa mga kawad-kawad ng kuryente. Si MVP kasi ang ECE sa amin at magaling syang mag-ayos ng mga sira lalo na pagdating sa mga electrical problems. Sya rin ang taga-kabit ng jumper sa street namin. hehe. Biro lang. At dahil magdidilim na, naisipan ko na lang na tingan ang fuse box. Sinipat ko kung ang problema e ba doon lang. Matapos kong i-off at i-on ang switch. Binuksan ko ang ilaw — presto – nagkakuryente at umilaw na! Palekpekan na naman! Ang galing kasi trial and error lang ng isang unggoy na gaya ko e nasolusyunan ko ang problema. Naging masaya si Ignay at nag-blog hop na ang gaga habang dumating ang mga taga-Meralco at masigla nyang binara.
wow! ayan naisulat mo na rin ang tungkol kay labidabs mo..
jeck jeck jeck! may utang pa ko sayong istarbuk! sama naten si clang minsan.. i want to meet her too..
congrats sa new pamangkin. oi wag kang ganyan, ang anak ng kapatid ko ay lalake din. hehehe.
tsaka baka jumong kasi naisip nya, since kayo lang naman ang tao sa chowking, ang engot pa ng magse-serve kung ma-miss kayo. kaya kahit kurdaypa o teofisto pa ang ilagay na pangalan, ok lang yun. hehehe
nasa MOA din kami last saturday. nagkodak-kodak sa pyro. kung ako bumibili sa chowking, di ko binibigay pangalan ko. laging wrong spelling. kaya ibang name binibigay ko like, mario antonino alfredo, maria ignacia florentina. wala lang, pang-asar lang… lols!
huwaw MOA, sana mapuntahan ko din balang araw. ikaw tour guide ko dun ha ahehehe
bago ako umalis, hindi pa kumpleto shops sa MOA eh,,,me nagbago ba?
congrats sa newly added family member from your adorable kuya. ang dami namang nangyari sa inyo,,,pero ang pinakamalupet dun ung trial and error, pwede ka na palang troubleshooter ng fuse eh.
Insan, kayo na ulit ni Clang??? Aba aba aba! ‘Di ko alam ito! *LOL*
takot ako kumain sa mga fast food kung pasara na sila, may narinig kasi akong tsismis na binabarubal ng mga galit na crew ang order mo para makaganti kasi hindi sila makakauwi ng maaga.
ikaw pare anong hula mo sa mga magiging anak namin? pareho babae o lalake? o both? mukha naman siguro kaming adorable pareho di ba? sige na umoo ka na! kwentuhan lang naman eh. hahaha! =D
congrats kay mvp! pangarap ko rin maging mvp pards. although ayoko ipagyabang na kabilang ako sa team na 3 straight championship ang nakuha.
… continuation
…noong may paliga ang company namin sa makati noon. hehehe hindi ko pala nabanggit. =D
wow, congratz at tito ka na! ahaha parang ang tanda pakinggan lolz
.. congratz din sa kapatid mo, tanong lang – may gelpren na ba? ahaha jok
.. at congratz din sayo at naayos mo ilaw nyo,
pero feeling ko nagkataon lang yun, may ibang tao nag-aayos sa tas nasabay lang na nag on-off ka hahah
haha! varsity player ka ng pick-up-sticks? siguro dati kang snatcher. ayos pala pamilya nyo ah sporty..nagulat ako sa kapatid mo 5″10? at mas bata pa sayo..hehe! ako nung naglalaro pa ako ng basketball..6th man lagi. haha! pero pag 3 on 3 babad ako sa game. magaling nga pala ako magshoot sa mga sharpshooter sa worlds of fun..ayun lang.
nga pala lalaki din ang first born ko. at hindi ako naniniwala sa adorable ek-ek na yan kita mo naman..very affordable este adorable ako. lols!
haba. gusto mo dito ka na mag-blog? ——–dito ko natawa eh! hahaha
ehh di mukang babae rin pala si jumong? ..ahaha..juk lang kua..galing naman ng kapatid mu..pki congrats na din ako sa knya..tpos ung number na din niya ..hahaha..at congrats din pala sa pagiging bagong tito.
congratz sa pgiging tito mo…at sa iyong MVP na kapatid…
kaya pla wala ka daw nung sat sa ktv kasi nga may lakad k daw…hehe
jumong,varsity ng pick up stick at taga ayos ng kuryente…ayos ah…all in one…hahahahahaha
WHOA!!! You’re back… sorry ngayon ko lang na update ang blog ko dahil sa packing sheet na bayantel na yan… sira internet connection nila kaya i would have to settle muna sa mga internet shop… hay buhay….
naka naman… alam mo bang bago ako mapadpad dito sa blog mo e na-stuck sa utak ko ung commercial ng jjampong. hahahaha…”langit ka…lupa ako… JJAMPONG!” hahaha kaya natawa nalang ako sa entry mong un…
ayon…
kmusta naman at hindi mo msyadong pinag-iinitan ang kuya mo ng mga hirit mo…lol! pero buti naman at ganon kuya mo =)
congrats sa kapatid mo at congrats sa pagkakaroon mo ng skills sa pag-ayos mo ng inyong kuryente… hehehhehe!
haysus, kaya pala wala nung saturday. sana sumunod ka. we stayed out till 5am. pinapak na ng lamok sa greenbelt, deadma. game pa rin ng game.
nakakahiya mang aminin pero hindi pa talaga ako nakakarating sa em-oh-ey.
wawa naman si ako.
ako naman, mas gusto kong mamili at pumasyal-pasyal kapag mag-isa lang ako para wala akong ibang iniisp kundi sarili ko. baka kasi mamaya yung kasama ko tom jones na kaya ayun.
naks. kelangan ko po ata magpatutor sa inyo ah. ECE kasi ang course ko. baka mas mapadali ang paggraduate ko. hehehe
isang beses palang ako sa MOA, dun kami sa may likod. amoy dagat. tsaka congrats at may pamangkin ka na kuya. ako madami na kong pamangkin eh. hehe
walang kinalaman ang comment na to sa post.
mamaya nalang ako mababasa. wala ka kasing tagboard. nyehehehe. ako si vera. corporate slave sa umaga, labandera sa gabi
sama ka sa sabaday ha!