Ang Pinakawalang Kwentang Blog

7 06 2008

P*T#NG-INA ka. Hayup ka. Wala kang kwenta. Pinahamak mo lang ako. Mamatay ka na. Letse. Sa tingin ko wala ka nang magandang dinudulot sa buhay ko. At hindi ko rin alam kung bakit pa kita pinapakisamahan. Dahil sa iyo madaming nangyari na di kanais-nais. Mga bagay na hindi ko naman talaga pinlano. Ang masaklap pa dun, ako rin ang nagplano sa iyo.
Dapat siguro, gawin ko rin sa iyo yung ginawa ko kina Kalye27 at RHSK. Damuho ka. Akala ko kasi matutulungan mo ako sa pagsusulat, para kang buray. Mali pala, para kang burnek. Walang kawenta-kwenta. Akala ko makakatulong ang pagka-astig mo. Andami nating plano. Pero parang wala namang patutunguhan. Kabaliwan lamang ang lahat. Ni hindi mo nga ako masamahan kahit sa inuman man lang pag dumadating na yung oras na kailangan nating pagbayaran ang mga nagawa natin. Iniiwan mo ako sa ere. Akala ko kaibigan kita.
Puno ng poot at hinanakit ang puso ko ngayon dahil sa iyo. Pinahamak mo lang ako. Naniwala ako na ang pusong mamon ang maglalabas ng lahat ng sakit na naramdaman natin pero hindi; dinagdagan mo pa. Badtrip ka bords.
Huwag ka na lang magpapakita sa akin. Baka kung ano pang magawa ko sa iyo. Siguraduhin mong may insurance ang mga ngipin mo dahil baka hindi mo na yan mapalitan pag nagkasalubong tayo at magpulot ka ng mga yan sa daan. Babalasahin ko yang pagmumukha mo na parang rubik’s cube at gagawin kong pira-pirasong puzzle yang balat mo kapag hindi mo ‘to sineryoso. Hayupf ka. Kahit kelan ka. Hindi mo na ako binigyan ng dignidad. Tinanggalan mo ako ng puri at dangal.
Simula ngayon, hindi na ako mag-se-share sa iyo ng mga personal na bagay. Hindi na ako magsusulat ng mga impormasyon na magsasabi kung sino ako at kung ano na ang nangyayari sa buhay ko. Hmmmm.. magba-blog na lang ako tungkol sa gadgets, teka, kahit pala cell phone na gamit ko e hindi updated. Magba-blog na lang ako tungkol sa mga palabas sa TV o kaya mga movies, sira na rin pala yung DVD player ko sa bahay at minsan na lang ako makapanood ng TV. Magbablog na lang ako about sa sex! Pukinangina. Tingnan ko lang kung langawin ka pa at may magalit pa sa iyo o sa akin. Teka, hindi pala ako dito magba-blog. Iiwan na lang kita. Tutal, hindi naman kita magawang i-delete e dahil nangako ako na hindi kita i-de-delete. Tangenamo. Iiwan lang kita dito hanggang mabulok ka. Hahayaan kitang pagpyestahan ng mga langgam at uod. Hanggang sa mandiri sa iyo lahat ng mga mapapadpad dito. Tingnan lang natin kung hanggang saan ang kaastigan mo.
O siya, masyado nang mahaba tong nilaan ko sa iyo na kung tutuusin e dapat hindi na kita pinagkakaabalahan. Tae ka, Astiging Mamon. Ayheytyu! Magkita na lang kayo ni Ka Pepe. Magpahugas ka ng PH Care! Namo!

Huwag kang magpapakita sa akin, animal ka!!!

 

 

Note: Lahat po ng nabasa niyo ay praktis lang. Gusto ko lang maglabas ng sama ng loob sa blog na ‘to. I heart mamon, porebah!

*********************************************************************

May pic na po ang Jumong receipt ko. Eto po ang ibidins – Jumong!

 


Mga Tugon

Kaalaman

24 sumagot

7 06 2008
linglingbells

aysus! akala ko totoo na, buti naman at jinojoke time mo lang kami.. hehe! :D

jokes are half meant. ahihihi

7 06 2008
lyzius

yeah jokes are half meant to be nga daw…hmmmnnn!

hamback!

yaw. fresh from mindoro. bigla ka na lang nawala sa ym. haha!

7 06 2008
bishi

aww.. kay doraemon na lang ako cocomment. hehe ankyut. nasubukan mo na ba gumawa ng saranggola na doraemon? :D

7 06 2008
Walang Kwentang Blogger

bishi, kay doraemon ka pala napa-comment e di dapat maghanap ka na lang ng site para kay doraemon tapos dun ka na lang mag-comment. hahaha. joke lang pow.
astig yan si doraemon. hehe. saranggola na doraemon? hindi pa. paano yun?

7 06 2008
lyingwithclotheson

uhmm.. parang tinamaan ako a..

arawts! :D jeck! ambait mo saken grabe! kainis.. natakot tuloy ako para sa mga ngipin ko! braces nga wala ako e, insurance pa! ahihih

apir! marami na kong utang sayo

bakit ka tinamaan? kaw talaga. yung utang mo sa 14 na lang. advance happy bday! :D

7 06 2008
bishi

aba aba aba.. haha na-try ko na kasi..kaso hindi lumilipad :( antaba kasi nya ang kyutkyut. hehe

so lahat ng mataba sa yo, cute? kilala mo si FB at jason? hahaha

7 06 2008
hener

WAW!! hayop ka rin! ahihi animal ka! lolz

manahimik ka! lols

7 06 2008
xG

right back at yah!
hahaha

tae yan
natawa ako sa komento ni rens
ampotah

xG! tuloy na tuloy ka dito sa blog ko. mabuti naman at napadpad ka dito. haha.
gagu yang si franzen e dito pa nagkakalat. haha

8 06 2008
Leyn

tanginang yan… parang gusto kong yakapin blog mo sa mga pinagsasabi mo… praktis lang pala.

hehe. ganyan ka ba pag may nakakawawa? sige, kawawa na rin ako. haha!

8 06 2008
GODDESS

langya ka jeck! alam ko may mga subliminal chenes yang mga ganyang post. at kung ano man yun, sana naman eh patuloy ka pa din mag-blog… khet ano, kahet tungkol sa sex, sige lang, avid reader mo pa din ako. hehehee!

peace!


salamat naman kung ganun. talaga? kahit sex? hahaha!

8 06 2008
FB

alam mo bang kaunaunahang comment ko to sa blog mo.. Ayun nagcomment lang pero hindi nagbasa.. bukas na ko magbabasa..

Ayun oh! Hanay ng Astig ako oh..

loko ka, andali mong makalimot. eto ang pinakuna mong comment – http://iheartmamon.wordpress.com/2008/01/24/hello-mundo/#comments

9 06 2008
R.J.

pwede ka palang scriptwriter. hehehe parang mala-romy diaz siguro ang bagay sa character na yan. =D

gusto ko nga nun e. tapos ako gagawa ng linya ni piolo habang inaaway nya si sam dahil nahuli nyang may ibang jowa ito. hahahaha!

9 06 2008
damdam

tragis na yan! parang di ko ma imagine na kaya mo talaga sabihin lahat yan for real… (naks, hindi sa sinasabi kong mala anghle ka ha! hindi ka naman kasi mukhang pala away).. pero kung gusto mo matutong magmura ng malutong kaya kong mag pa kraskors! ahaahha..
pero +@ng!n@ng yan! potah ka!(pa praktis nga rin)! ingats lagi gurl!

9 06 2008
tina

psssssst. la lang. init ulo ah

9 06 2008
lilmiz

anobayun aheheh gusto mo lang magmura eh :P buti at praktis lang yan baka bigla ka na naman magdelete.. lam mo, sakit na yan.. delete ng delete ng blog.. ahahaha :P

hindi rin. hahaha. hindi na ako magdedelete, pramis.

10 06 2008
chroneicon

anuveeeh! bakit ganyaaaan

10 06 2008
gasti

ahehe! mukhang nag away kayo ni labidabs mo dahil sa entries mo dito ah..alam ko ang pakiramdam. ako nga dati walang isip isip..di ko na nakuhang gumawa pa ng post na gaya nito..dinelete ko na agad. haha!

wag ang blog ang sisihin mo..ikaw naman nagsulat ng nakalagay dito eh :D

ang mabuti pa..gawa ka pa ng isang blog..yung hindi malalaman ng ibang tao..at dun mo isulat lahat ng chiching related..safe ka pa!

bwahahaha! taena. alam na alam mo talaga ang tumatakbo sa isip ko. hahaha! kaya ko nga yan sinulat dahil sarili ko talaga minumura ko. tae yan. hahahaha! hmmmmm.. nakagawa na rin ako ng bagong blog. pero di sasabihin dito kung nasan. tama ka, master. dun talaga ako maglalabas ng kung anu-anong gusto kong isulat. mwehehe

10 06 2008
apollo

tsk… i feel for you pre… sabi sau, mahirap magblog. hahaha!

hahaha. parang ayaw ko na rin. moderate na lang siguro yung personal sa masyadong personal.

10 06 2008
koreanmine

ano kaya yung buray :D

ahmm gus2 mo valium? hehe

buray? itanong mo sa mga bikolano. wala ako nyan, ikaw meron. alam mo naman yata e. hahaha!
psychologist ako. i dont need that. hehehe

10 06 2008
Maldito

nakapa arte mo kasi.yan tuloy,,sabi ko sayu write what u feel to write..say what u love to say…bahala na ang makabasa,,,eh feelings mo naman yun sinusulat mo eh..

naks naman..payo??pakyo jeckass!

11 06 2008
b

groaaarrr…akala ko idi-delete mo naman to. ahehe. nanggu-gudtaym ka lang pala. ok lang naman na magshare ka dito ng personal problems. this is yor blog! you can wtite anything here! andito lang kami para maki-alam sa buhay mo. haha.

11 06 2008
napundingalitaptap*

hmmm, psychologist ka po? hmmmmmm. . .

nakapagpost na po kayo sa bagong TAGO mode blog mo? mahirap din palang magtago, narealize ko. hehe.

at talagang galit na galit, sublimation na din, malikha naman ang pagsulat mu e…ayeeeeee… hehe

epal lan

flyfly!!

12 06 2008
GODDESS

oo, kahit SEX!!!!!

8 10 2008
Dear Mamon Blog, « ASTIGING MAMON

[...] 8, 2008 Kumusta naman? Siguro naman hindi ka na nagtatampo sa akin dahil sa mga pinagsusulat ko sa iyo nung nakaraan. Sana naman nasa mabuting kang kalagayan ngayon habang ibinabahagi ko sa [...]

Mag-iwan ng puna