Mga sangkap ng isang malas na araw

20 06 2008

- Gumising nang maaga at maging ganado sa trabaho kahit ngayon lang. 5:37 a.m. ang log in, pinakamaagang pasok sa tala ng taong ito.
- Nasa entrance na ng building ng opisina, kinapa ang ID sa bulsa. Wala.
- Magdadalawang isip kung uuwi ba sa bahay o papasok at idideklarang nawala na ang ID.
- Sisihin ang putanginang policy sa opis na “No ID, no duty, no pay.”
- Tatawag sa bahay, aalamin kung naiwan nga dun pero lahat sila sasabihing “wala.”
- Uuwi ng alas otso at magbabakasakaling nandun, mabilis lang naman ang byahe mula Makati papuntang Cavite kung dadaan ng Skyway.
- Mabilis ang byahe sa bus pero pagdating sa FX sa may ATC (Alabang Town Center) e may hulihan ng mga kolurom na van ang LTO (Lahat Tayo Okey… nakanampucha, sino kaya nakaisip na ilagay ito sa LTO stickers? so lame.)
- Dahil nagkakahulihan, sa ibang ruta dadaan ang FX na sinakyan at ang byaheng 10-15 minutes lang e inabot ng 45 minutes.
- May makakatabi pang call center agent na wala na yatang kasawaan sa pakikipag-usap sa telepono. Lahat yata ng tao sa phonebook nya tinawagan na nya at ipinagyabang ang itinapon nyang galon na iced tea na nasayang daw nung outing nila. Sobrang lakas ng boses makipag-usap. Halimaw sya.
- Nakakaburyong init ng araw sa loob ng FX.
- Malapit nang bumaba sana kaso may isang pasahero na hindi nya alam kung saan sya bababa. Tinanong sya ng drayber kung saang lugar, ang sagot nya “Sa may bakanteng lote.” Ang sagot ng mga pasahero at drayber, “Madaming bakanteng lote dito! Bwahahahaha!” Kawawang pasahero, tatanga-tanga.
- Nakauwi sa bahay. Ginalugad lahat ng sulok, halos baliktarin na ang buong kabahayan mahanap lang ang bwakananginang ID. Pero wala. Wala talaga.
- Nang mapagod sa paghahanap, naupo sa may tabi ng bintana. Tumanaw sa malayo. Umiyak.
- Matapos umiyak, tumawag sa opisina at kinausap si boss:
         Ako: Hello?
         Boss: Editorial, yes?
         Ako: Tangina mo!
         Boss: Shit! (hang up)
         Ako: Yeah boy! (baba ang phone)
- Bumalik sa opisina, 12:30 p.m. ang log in.
- Nag-file ng affidavit of loss for the Nth time.
- Naghintay ng uwian, 9:00 p.m. ang log out.


Mga Tugon

Kaalaman

30 sumagot

20 06 2008
jheya

wahahaha. ako unang magcocoment. oh ano? wala ka na naman I.D? tapos iiyak ka sa tabi ng bintana.haha. lolz!!! I.D lang iniiyakan mo na? pang ilang beses ka na ba nakawala? at hindi ka pa talaga nadadala!!!

manahimik ka! maglinis ka ng bahay! hahaha! baka ikaw ang nagtago ng ID ko?

20 06 2008
madbong

nawala na naman ang id ni jeck!! pre sakit mo na yan ahehe (peace bro)

katangahan ang tawag dito pre, katangahan. haha!

20 06 2008
camilleeee

“…- Nag-file ng affidavit of loss for the Nth time…”
- :D makakalimutin na ba tayo nyan jeck? hehe. dapat ata bago matulog sa gabi, suot mo na ang ID mo, para da neks day, di mo talaga makakalimutan. :D

Camille! napadalaw ka rin. hehe. kala ko sabay ka nang naglaho ni yani e. palagay ko nga tama yang suggestment mo. haha!

20 06 2008
jhaynee

kelangan mo na istaple ang next mong ID sa dibdib mo.. ipatahi, ipaste, iscotch tape… hehehe.. desperate times need desperate measures…

20 06 2008
jhaynee

kelangan mo na istaple ang next mong ID sa dibdib mo.. ipatahi, ipaste, iscotch tape… hehehe.. desperate times need desperate measures…

20 06 2008
Jeck

jhaynee, kelangan dalawa para di ko malimutan no? ’stig! hahaha!

20 06 2008
apollo

pagawa ka na kaya ng madaming id pre?

mahal e. haha. nakakatatlong ID na ako. tae yan.

20 06 2008
menggay

ano bang gamot kapag palagi nakakalimot hehehe!!!

nakOOo pareho pala tayO minalas din ako ngayOn araW na to….

tsk tsk!!! :(

ano namang kamalasan yan? nakatulog ka na naman sa opis niyo? haha

20 06 2008
R.J.

naghahanap ako ng term na ‘repost’ sa post mo kasi akala ko ito yung dati, totoo bang nakawala ka na naman? dapat yata ipa-tattoo mo na yan sa debdeb mo. ahehehe. =D

tattoo? hmmmm..pwede tapos hanggang karug para kewl. haha. pag hinanap sa akin papakita ko yung pusod ko. haha. for the record, eto yung time na ‘nawala talaga’ dahil yung unang dalawang beses e naiwan ko lang sa bahay. kaya ko dineklarang ‘lost’ nung una e para may bayad yung araw na pinasok ko.

20 06 2008
FerBert

ah okay.. dahil sa ID na naman.. haha..

20 06 2008
wei vines

tangenang id nga yan talaga oo! na occupy utak ko kung saan na yung id na yun..napaaway pako sa guard dahil sa id na yun..at ang ending..nag file uli ng lost id… pero tangena naman oh! ayaw pakong bigyan kasi daw kaka file ko lang nung november! huhuhu,….leche…

dahil sa id, daming napeperwisyo :(

20 06 2008
linglingbells

lagi ka na lang nawawalan ng id.. dapat siguro, lagi yang nakakabit sa ano mo para di mo makalimutan, eto’y suggestion lang naman.. :)

21 06 2008
Maldito

ang shoray naman..sa bintana pa nag drama…sana may mga burds and flys and flowers and shades of trees pa para todo na ang drama..tapoas kakanta ang mga ibon…

ahahhaa..yeah..shit happens anyway…its ok..

sa susunod magpagawa ka ng id sing laki ng billboard ng ding dong..tyak indi na mawawala yun..i paskil mo sa labas ng opisina nyu!!

sabing iniiwan ang katangahan sa bahay eh.

21 06 2008
napundingalitaptap*

ahaha…. uh, napasaya aku nun ha…hmmm, tama ang desisyon kong maglibot-libot.

pinaka

>>Sobrang lakas ng boses makipag-usap. Halimaw sya.

>>Bwahahahaha!” Kawawang pasahero, tatanga-tanga.

=p

21 06 2008
ayz

pero plurk pa rin ng plurk! ahihih

21 06 2008
chroneicon

akala ko rin nga repost e ahaha! hanapin na muna ang id bago matulog pare hihi…

21 06 2008
aga

ang id bow…. whappakkk… moral lesson isabit ang id sa leeg always…. asust…. :)

21 06 2008
lethalverses

pucha HOBBY mo na ang magwala ng ID a??? …or ang hobby mo ung magfile ng Affidavit of Loss?

bwahahahaha… totoo bang minura mo ang editorial? :D asteeg!

21 06 2008
McRey

SHEEETTTT!!!!

Hahahah… ang hirap talaga pag ganyan… pero bakit ka ba nawawalan ng ID? Parang lagi na lang ganun?!

Pero solve na solve na ako sa part na

Ako: Hello?
Boss: Editorial, yes?
Ako: Tangina mo!
Boss: Shit! (hang up)

ASTIG YUN! PAMPAWALA NG STRESS!!!

21 06 2008
ellieshe

isa kang huwarang empleyado kuya jeck..hahaha..sabe kaseng bawal ang pork , ang beans, at ang hipon..waaahaha..nextym iisa nalang dapat lalagyan ng id… pra di na makalimutan ;-)

21 06 2008
mia

naranasan ko na din nawalan ng ID. pero pagkatapos ko baliktarin lahat ng gamit namin, ayun nakita ko naman siya,

moral lesson- tanggalin na ang no id no entry policy. haha

21 06 2008
GODDESS

nasa akin ang ID mo!

bwahahahahaha!

21 06 2008
dave1112

akala ko eto yung dati ko pang nabasa pero nung matingin ako sa date…wadahell!! as in na naman???? hahaha..

21 06 2008
shayleigh

ehloe… ngaun lang ulit naligaw dito ah…
nweis, yan [b]DAW[/b] sakit ng pagkalimot ay dahil sa ‘withdrawal method’ na ginagamit ng magsing-irog… kaya next time, wag mag withdrawal ahhh! *grin*
kasi napansin ko, ilang ulit ng naganap ang mawalan ka ng ID or maiwan man sa bahay… un lang.

21 06 2008
gugmagiatay

kulang ka siguro sa dasal pare! baka naman matanda ka na at ulyanin!!! hahahahaha

peace out!

22 06 2008
lyzius

punyeta ka kahit kelan…nasa mood ako ng pag eemote tas mapapabunghalit ako ng tawa sa entry mo…youre so kaasar ha!

22 06 2008
rimewire

yehey sumasakay din sya sa Ep-Ex

hakhak

mabuhay ang mga kolorum, aba, kung wlang kolorum, d ako mkakauwi sa bhay namen

hakhak

power elyens mistik pors

XXXxx

22 06 2008
kamotenista

buti na lang sa hideout ko hindi uso ang ID. pa-scan ko lng ang pagmumukha ko yun na…

23 06 2008
batopik

hahaha! oonga naman. bakit pa kasi nauso ung ID. eh hndi naman tayo mukhang abu sayap. hahahaha! xP ang lau naman nun.. makati to cavite? waaaah! makati to taguig nga pagod na ako eh. hahahaha! ngiti na… ayaw pa.. hehehehe.. ngingiti na rin yan.. ay sus! hehehe. xD

26 06 2008
beero

nakow, ang daming ID na nawala mo ah. ahehe. dapat dyan laging nakabitin sa leeg mo. wag mo na lang tanggalin para di mo mawala. hehe. baka naman memoru gap na yan pareng jeck. hehe

Mag-iwan ng puna