LAST Saturday nga pala nag-brownout sa opis. Sa hindi maipaliwanag na kadahilanan, bigla na lang nawalan ng kuryente. First time na nangyari yun sa opisina namin. Sabi ng guard eh may generator naman kaya tuloy pa rin ang trabaho pero mga ilang minuto lang bago napagana yung generator eh bumigay na ito at nagdilim ulit sa opis. Mukhang disco club tuloy ang opisina namin dahil mga emergency light ang nakasindi. Gusto ko ngang umorder ng ice cold greh behr(sabi ni jet li sa commercial) at sisig sa canteen para kumpleto na. Inasahan kong papauwiin kami dahil wala naman kaming gagawin pero nabigo akong umasa dahil pinaghintay kami ng boss namin. Nauwi na lang sa kwentuhan ang aming natitirang oras sa opis. Sa tagal ng aming paghihintay marami kaming napag-usapan ng mga opismeyt ko.
-hindi kami makakasakay ng elevator dahil walang kuryente, may mga nagsabi naman na gumagana pa rin dahil may mga trabahador ang kumpanya na humihila ng tali ng elevator kapag paakyat ito at kung pababa naman ay bibitawan na lang ang tali at ihihinto sa tamang floor. Exciting ang ganung scene dahil kapag nagkapaltos na ang mga humihila ay pwede na nilang bitiwan ng tuloy-tuloy ang tali hanggang sa dumiretso sa basement ang mga passenger.
-may mga nagsabi namang gumagana pa rin daw ang elevator dahil pinapatakbo ito ng steam, may mga nagsusunog ng uling sa basement at ang pressure ng usok ang nagpapaangat sa elevator yun din daw ang dahilan kung bakit nag-amoy tinapa ang mga pumasok ng second shift nung araw na yun.
-kung brownout sa opis namin malamang buong Makati brownout din. Inisip tuloy namin kung tumatakbo ang MRT, pero sabi ng isang opismeyt ko hindi raw nawawalan ng kuryente sa MRT. Kung sakali man na mawalan eh madali lang masolusyunan dahil tatakbo pa rin sa pamamagitan ng bayanihan. Magtutulong-tulong daw ang mga pasahero ng MRT na itulak ang tren hanggang sa umabot sila sa istasyon na bababaan nila. Siyempre habang umaabot sa pinakadulong terminal eh lalong kumokonti ang tumutulak kaya malas mo na lang kung sa dulo ka talaga bababa. Diba wise? Dito raw mapapatunayan kung may katangian pang bayanihan ang mga Pilipino ngayon.
-dahil nga sa madilim sa opis eh naisip na namin na magandang pagkakataon ito para magkaroon ng social activity ang kumpanya to promote camarederie or good relationship with our coworkers. Naisip namin na ang magandang activity ay taguan. Oh diba mas mahihirapan maghanap dahil nga madilim. Mas masaya kung sasali si boss. Mataba yun kaya madali lang makita kapag nagtago sa ilalim ng cubicle o sa CR ng mga babae. Boom Sir tabatsoy! Sisiksik ka pa diyan sa locker ha! Hahahaha! Tapos siya naman ang maghahanap sa amin, sa dami ba naman ng empleyado eh ewan ko lang kung mahanap niya lahat sa loob ng isang opis hour. Baka nag-uwian na yung iba eh naghahanap pa rin siya sa fire exit. Pero kung magaling siya sa strategy eh pwede namang collective na lang ang pag-boom niya sa mga makikita niya gaya ng: Boom Legal Department! Boom Editorial Department! Boom Maintenance Department! Boom Security Department! Boom! Boom! Boom! Mas maaga siyang matatapos at mapapadali ang pagka-atsoy niya kung ganun na lang ang paghuli niya sa mga empleyado.
Masaya kaming nagtatawanan nang biglang magkakuryente. Isa-isang sumindi ang ilaw. *aaaaayyyyyyyyyyy….*
sabay-sabay kaming nalungkot dahil oras na naman para magtrabaho. Biglang namatay ulit ang mga ilaw!
*YEEHHHHEEEEYYYY!!!*
Bumukas ulit!
ooooowwwwwww.**
Nawala ulit!
*YEHHHEYYYYYY!!!!* Kasabay ng masigabong palakpakan. *WOHOOOOOOOO!!!*
Hindi na ulit nagkakuryente. Kahit madilim nakita kong marami ang nakangiti sa mga opismeyt ko. Mga batugan.
Naalala ko nung bata pa ako, kapag nag-brownout sa lugar namin malungkot kami ng mga kaibigan ko. Adik kasi kami sa mga palabas sa tv noon, lalo na kapag gabi. Marami kasi kaming inaabangang mga palabas. Isa pa, kapag brownout eh kung ano-anong mga nakakatakot ang kinukwento sa amin ng matatanda para di na kami lumabas at makipaglaro. Kaya kapag nagkakuryente na at isa-isang nagsisindihan ang mga ilaw malalaman mo agad na may kuryente dahil malayo pa lang may mga sumisigaw na at nagpapalakpakan pa. Doon ko natutunan na mas mabilis ang sound kesa sa light. At kapag sumindi na ang ilaw sa bahay namin hihipan namin ng mga kapatid ko yung kandila, pipikit muna at magwi-wish na parang bertdey sabay ihip sa apoy. Tapos, palakpakan na! Baliktad pala pag tumanda ka na at nagkatrabaho, mas nanaisin mong walang kuryente kesa sa meron. Pero kis-to-kis basis pa rin yata ‘to.
Balik tayo sa opis. Naubos ang oras namin sa kahihintay ng kuryente. Nagkaron na ng kuryente sa ibang opisina ng building pero wala pa rin sa amin. Nasira na yata yung power system ng kumpanya dahil sa palyadong generator. Natuloy ulit ang aming usapan sa kung ano-anong bagay.
-may nagsabotahe ng power supply sa aming kumpanya. Hula namin yung nagresign na empleyado sa amin last week dahil nais niyang gumanti sa kasamaang dinanas niya sa masungit naming boss. Tumatawa siya siguro nung mga oras na yun dahil nagtagumpay ang kanyang balak. (Theory lang namin yun)
-isang linggo pa bago magkaroon ng liwanag sa opis namin dahil bumibili pa ng mga gasera ang kumpanya. Yun na lang ang magsisilbing ilaw sa mga cubicle namin habang nagta-type kami sa typewriter. Ayos yun dahil wala nang makakasira ng PC, wala ng salary deduction, yun nga lang kapag may nakatabig ng gasera, sunog ang buong opisina.
-madilim sa CR ng mga boys. Nung umihi ako hindi ko makita kung saan ako umiihi. Sabi ng opismeyt ko eh mag-ingat daw ako dahil baka may bading na nag-aabang at nakakanganga na sa harap ko at handa nang isubo ang aking pagkalalaki. Kinilabutan ako sa sinabi niyang yun. Tuloy ilang oras kung tiniis ang pag-ihi.
Marami pa kaming napag-usapan. Isama na ang planong pagtatayo ng unyon para sa karagdagang benefits tulad ng vacation escapade sa hawaii, free iPhone sa lahat ng gwapong empleyado *ehem ehem*, at promotion para sa mga cute at humble na empleyado *ehem ehem ulit.*
Inabot na kami ng uwian at wala pa ring kuryente. Naisip ko na sana ito ang tipikal na araw lagi sa trabaho. Papasok ka, mag-iinternet, magkakape, mawawalan ng kuryente, magkikipagkwentuhan, kakain ng lunch, papaypayan ka ng boss mo habang natutulog ka, tapos uwian na. Haaaayyyy… Sarap ng buhay…This is life, this is my kind of day.
putangina, hindi ko na tinuloy ang pagbabasa kasi mukha akong engot ditong parang kinikiliti sa paghagikhik…punyetang elevator yan…mamaya ko na lang ulit babasahin ng buo at magkoment ng mas marami…hayup ka jeck!
whew!! kahaba haba.. pero kay saya saya!! hehehe..
kainis pag nasa school pa lang.. kahit brownout may klase pa rin.. sa ang pagdugo ng ilong mo sa leksyon nyo ay sasamahan pa ng mga amoy na ayaw ko ng i-describe.. hehehe..
sana patuloy ang brownout jan sa inyo..
gumagana ang elevator.. de battery kasi yun.. amf!
ingatz
reposts to pre? parang familiar?
“Magtutulong-tulong daw ang mga pasahero ng MRT na itulak ang tren hanggang sa umabot sila sa istasyon na bababaan nila. Siyempre habang umaabot sa pinakadulong terminal eh lalong kumokonti ang tumutulak kaya malas mo na lang kung sa dulo ka talaga bababa.”
malas lang niya kung itulak siya pabalik ng MRT magtutulak siya mag-isa pabalik sa kanila…hehehe
*gravity namang elevator yan…..steam ang drama…..wahahaha
naaalala ko noon na sobrang badtrip ako sa brownout dahil tuwing palabas na ang ‘x-men animated series’ saka mawawalan ng kuryente. doon din tumibay ang barkadahan dahil laging nasa labas at naglalaro.
kung maulit kaya ang ganung senaryo ngayon (hindi malabong mangyayari ulit), siguro maglalaro ulit sa labas ang mga adik sa dota ano?
andaming naiimagine ng mga tao pag walang kuryente
kaya naniniwala ako na matatalino at
creative ang mga sinaunang tao
yung mga java man.. ganon. ahahah.
kelan kaya magba-browout sa opis ng ganyan katagal. hehe. pero may generator naman. haayyy…ala pa ring lusot! ang dami mong naiisip pag brownout ah, napaka-imaginative. ahehe.
ang sarap naman kung ganyan lagi ano, kwentuhan maghapon tapos taguan wuhuuu! nung bata ako kapag brownout tuwang-tuwa naman ako kasi sarap tumambay sa labas tapos laro ng taguan. nung isang araw nawala din kami ng kuryente dahil sa lakas ng ulan, bad trip kasi naunsyame pagblog ko hehe.
ang depenisyon ko ng salitang ‘ehem’ ay counterpart ng third sex; na-confuse lang ako sa parte na baka may bading sa loob ng c.r.
sinung tinutukoy mo?
bilib nga ako sa imagination mo, wild!
teka, bs psychology po pala ang degree ko, teka, parang “i see a patient, i see a patient” wahahahahha!
hmmm, pero in a way, parang ang gusto mo talagang mangyari ay “bayanihan”. . . nakakatuwang masyado!!
greh behr pala ha,…wahahaha! bahala ka na nga!!
BOOM KUYA! ahahaha
i see a patient, i see a patient =bleh
nice one. full of experiences.
grabe mahusay mag-isip ung mga opismeyts mo ng mga imahinasyon
astig kakaiba
at kakaiba ka din mag-isip
haha! binasa ko hanggang dulo..taena… saya pala pag brownout tapos office hours
-
kung mangyayari nga na brownout tapos nasa mrt ka, lagot na… suffocate!
Uwi na ko bro sa Iloilo. Kitakits nalang. Pahinga muna sa blogging…
hahahaa!! dangkulet namang brown out yan! i mean, dang kulet na paglalakbay ng iyong isipan, malulufet ang eksenang nabuo at naisulat. grabe, galing!
ahahahaha… psych grad din po ako…
ikaw pala yun. ahaha, matagal ko ng hinahanap yun nabasa ko na blog dati na psych degree holder din!! kasayk po pala kita.
ahahaha… sa HR dept. ka po? bossing po pala kita e! ahihihi
hmmmm, o well, ako po patient, balak kong pumasok sa mental hospital, pero pagpapraktisan ko munang kumain ng lupa(qualification daw po kasi yun para maadmit) kuya, ikaw na ang matagal kong hinahanap para maintindihan ko naman ang course na pinaggradweytan ko…
jeck: ang yabang mo. hindi ako pasyente. dahil psych grad ako. wala akong sakit. wala! wala! wala! hahaha!
teka, parang ilang beses naulit ang “WALA” ah…hmmm, anu ngang tawag sa sakit na yun… wahahahahaha! i see a patient.
bleh =p
flyfly! baka mabugbog pa ako ng isang. . .hmmm, secret! wahahaha..ang saya saya!
ahaha. . .
meron pa pala,
tsk, kuya, ayos lan yan… lahat ng pasyente dumadaan sa STAGE OF DENIAL…
wahahaha, ansayasaya!