1. Mas mabilis ang byahe kung dadaan ako ng South Super Highway papuntang Makati kesa sa dating daanan ko sa Coastal Road at byaheng Ayala Leveriza.
2. Mahal ang pamasahe mula Cavite hanggang opisina. Pakdapaker yan. Dalawang libo ang budget ko sa loob ng dalawang linggo, hindi pa kasama dyan ang pagkain.
3. May libreng meal sa opis na nagkakahalagang 40 pesos. Masarap ang breakfast pero parang pinagkaitan ng seasonings ang lunch na aakalain mong may cancer sa taste bud ang nagluto.
4. May dress code sa opisina pero sa team namin, hindi ito ino-observe. Pwede akong magsuot ng black chuck taylor na hindi sasawayin ng guard. Kewl.
5. Nagulat ako nung malaman kong mula Lunes hanggang Sabado pala ang pasok namin. Sa job offer kasi hindi kaagad sinabi sa akin yun. Kaya naman nanlaki ang butas ng ilong ko nung pinapapasok kami ng Sabado. Gusto ko ngang singahan ng sipon yung HR manager na nag-interview sa akin e. Dats bolshet men.
6. Nung mga unang buwan ko dito sa opisina, nagtrabaho ako directly under sa boss namin. Kung matatawag talaga syang ‘boss’ ah. Pero nung kalaunan at nagkaroon na kami ng project manager at team leader, wala na akong konsepto ng boss. Kaya kahit murahin ko pa ang boss ko dito sa blog ko, walang matataman. En dats anader bolshet men.
7. Sa team namin, pwede kaming mag-change ng working schedule (flexi), pwede kaming pumili kung anong oras ang break time namin at kung gaano kahaba, at mag-overtime kung kelan namin nanaisin. In short, nabubuhay kaming pasaway sa opis.
8. Natuto rin akong mag-edit, gumawa ng iba’t-ibang projects na hindi ko pa nagagawa dati, makipagbolahan sa mga kliyente, multi-tasking, at magpigil ng tae (muscle control) sa tuwing natatae at walang bakanteng toilet bowl sa CR.
9. Hindi pantay-pantay ang rate ng mga empleyado sa aking mahal na kumpanya. Mas gwapo, mas mababa ang sahod. Demmet, what have I done wrong?
10. Nitong umaga lang, binago na ang policies sa team namin, naging mas mahigpit. Hindi na pwedeng mag-change sched sa mismong araw (Dapat the day before na.) Hindi na rin pwedeg mag-OT kung kelan gusto, dapat may approval pa ng TL (tulo laway). And I’ve learned lately that the more you let your people undisciplined, the more they will retaliate and feel bitter when you suddenly grasped their neck. Tangina, nakakaloko talaga.
ano pang hinihintay mo pre? lipat na! hahaha!
nakakarelate ako nang husto sa #9. nagtataka tuloy ako kung kelan pa naging disadventageous ang pagiging good-looking. hahaha
nauna ba talaga akong magcomment?
hehehe..
at least, may natututunan ka sa work mo… kahit konting bagay ay ok na rin
wahaha
ganyan talaga buhay pare. hanap na ng ibang co!!!
so it means ang taas ng sahod mo parekoy…pucha manlibre naman jan….
buti pa nga sa inyo flexitime, hindi ko alam ang logic ng company ko dati sa makati kung bakit hindi mag-flexi, kapag naglog-in ka ng 8:01am late ka na. kaya fina-file na naming halfday yun (TY na ang morning time) dahil naghahabol kami ng award tuwing december. pag wala ka kasing late may award. kaya inggit ako sa may mga flexi. =D
buti na lang dito sa amin maganda cr. wahaha! sarap jumebs! ayaw ko rin pala jan sa kumpanya mo.. kawawa ang mga gwapo. hindi ako kikita ng malaki jan. hahha!
hahaha.. natawa ako sa comment ni lyzius. ahaha libre!!
buti nalang samen, madali ang work! ahihih.. at at at!! yung co teacher ko, nililigawan ng anak ng may ari ng company.. kaya lahat ng perks nya, damay ako.a hahaha
bwahaha! natawa ako sa comment ni lyzius
nagulumihanan ako sa no. 3..libreng meal tapos may bayad na 40 pesos? dats bolshet men! akala ko ba libre? yung canteen dito samin ginto yata ang mga rekado..ang mamahal ultimo gulay na kakapiranggot nasa 40 pesos na.
OPIS?? ano yon? di ko alam yon.
nakakatakot tuloy mapunta sa opisina. nakatunog pa naman ako na mag-aarawan na daw ako sa office. ayoko. i love my home based job
->propesyunal labandera.
I’m not working yet but I like the I-can-wear-Chuck-Taylor-sneakers. Yay!
#3 – mukhang otomatik na yan pag sinabing free meal sa isang kumpanya, dito naman samin matutuwa ka sa unang buwan ng pasok mo kse puro kakaiba ang lasa.. pero dadating ang araw makakahalata ka na.. iba iba lang lang pala ang itsura pero parepareho rin ng lasa. at ang kadalasang main ingredients nila betsin at mantika. nyay!
di ako makarelate.. wala akong alam.. pag usapan na lang naten yung tungkol sa pagiging tambay marami akong maiseshare.. haha
2k sa loob ng dalawang linggo.. di pa dyan kasali yung pang motmot so mabigat nga naman talaga sa bulsa…
sorry pero hindi ako nagpapatawa sa comment ko…
hi!
am ay stil welkam hir?
ay am churi-churi…
pero men, libre naman jan…sige na, tutok lang…
hayan kinulit ka na ni lyzius ahehe. pre, bakit mas mabilis pag south super hiway, saan ka ba sa etibaks?
mahilig k sa sampung chuva
* hakalain mo, ang muscle control mo eh sa pwet
ikaw? mababa sahod?
anlakas mo nga manlibre.
@ leyn – naks galante pala si jeck!
libre yung meal sa halagang 40pesos?
huwat
nagulo ako dun
bolshet
pakdapaker
hahaha
buti ka pa, may sampung natutunan.. hmm ako nga wala ata e.. leche tong trabaho na to, binabayaran ako para mag bloghop, mag plurk, mag friendster, at mag forums.. ahahaha..
pero okay na rin yang changes(di pa nga ganun ka grabe yan e..) tanong tanong ka sa iba, maswerte ka pa..
at aba! mantakin mong ang laki pala talaga ng sweldo sa iyo!!! tapos ngangal-ngal ka pa! aveh namehn! ahahaha…
ako naman, tinanggalan ng time card. meaning — no ot pay. pero hello! di rin daw exempted dun sa DA regarding tardiness. hanlabo di ba. pero bukod dun (at ilang mumunting bagay) eh ayos pa naman ako sa work ko. masaya pa naman din.
ang naiinis lang ako eh may dress code pa. pagdating naman ng planta eh magpapalit din ng uniform. lekat. (pharma company nga pala ako nagwo-work kse)
1. Mas mabilis ang byahe kung dadaan ako ng South Super Highway papuntang Makati kesa sa dating daanan ko sa Coastal Road at byaheng Ayala Leveriza.
—di nga?tas sakay ng jip sa petron?hekhek.mega tanung ang noobz
pero kamusta din naman ang ID chronicles mo?