AS usual, na-late ako kaninang umaga sa opis. Pero saglit lang naman ako nahuli, mga 45 minutes. Tipikal na oras sa isang tipikal na empleyadong tinatamad at bagot na bagot na sa trabaho. Three months pa lang ako sa trabahong ito pero nung mga 3 weeks pa lang ako eh gusto ko nang mag-resign. Nung nabasa ko sa diyaryo yung advertisement nila eh nakasulat ang ‘copywriter,’ pero nung job offer na at pumipirma na ako ng kontrata eh ‘copyeditor’ ang position ko. Naisip ko wala namang pinagkaiba yun kaya tinanggap ko. Isa pa, matagal na akong nagtatrabaho sa PAL (palamunin) kaya gusto ko na ng bagong work, idagdag mo pa ang presitihiyosong pagkakataon na makapagtrabaho sa Makati. Makati boy na ako. Nung mag-umpisa akong magtrabaho sa opis eh ‘editing’ pala talaga ang gawain. Letse. Marunong akong mag-sulat pero nasanay akong may ibang nag-eedit ng gawa ko. Napasabak tuloy ako sa ganitong trabaho. Madali akong nabagot, edit lang kasi ako ng edit ng gawa ng iba. Pati mukha ng boss ko gusto ko nang i-edit.
Heto ako ngayon. Nag-iisa, naglalakad sa gitna ng dilim, lagi na lang akong nadarapa pero buma…(thanks Aegis for that inspirational song). Ilang beses ko na ring tinangkang umalis, nag-aplay na ako sa iba’t-ibang uri ng trabaho pero wala akong mahanap na magugustuhan ko. May ibang offer pero sobrang layo naman ng opisina sa tinitirhan ko. Ayoko munang tumira sa boarding house.
And what the hell am I doing here? Bakit pa ako nagtitiyaga sa trabahong ito? It’s all because of money, baby.

Money makes the world go round. Ngayon nga, kakakuha ko lang ng sweldo ko. I think it’s all worth it. Magtatrabaho ka ng dalawang linggo, gigising ng umaga, magkakamot ng betlogs, mangungulangot bago maligo, sasakay ng bus, sasakay ng jip, maglalakad papuntang opis, uupo sa harap ng PC, mag-iinternet, gagawa ng konting editing, magla-log in sa friendster, kakain ng lunch, babalik sa trabaho, uuwi na, kakain ng hapunan, tapos tulog na. Kinabukasan ganun ulit. Maghihintay na lang ako ng pay day at yun na lang ang natitirang goal ko. Basta may pera ako, okey na. Masaya na akong nakakanood ng sine paminsan-minsan, kakain sa mga fastfood pag may time, at mamimili ng mga bagay na gusto ko para sa sarili ko. Ganun lang yata kasimple ang buhay ko sa ngayon. Tangnang pera yan, kabagot.
Para sa akin kasi mahirap ang mabuhay ng walang pera. Hindi ka makakapaglakwatsa dahil wala kang pamasahe, hindi ka makakain dahil wala kang pambili, wala kang katext dahil wala kang load, hindi ka makakaporma dahil wala kang pambili ng mga bagong damit, at hindi ka rin makakalabas ng bahay dahil hahanapin ka ng mga pinagkakautangan mo.
Money is the source of happiness and the root of all evil. Nasa tao na rin siguro kung paano niya kikitain at gagamitin ang pera niya. Depende na rin sa paghawak niya at pangangailangan niya. Sa akin, ang dalawang linggong sahod eh tumatagal lang ng isang linggo, hindi kasi ako marunong mag-budget, mataas na rin kasi ang mga bilihin ngayon kaya kulang pa ang perang kinikita ko.
Ano kaya kung hindi na nauso ang pera? Masarap sigurong tingnan kung makikita mong hindi naggugulangan ang mga tao sa pera. Payak pa rin siguro ang pamumuhay nating mga Pilipino kung uso pa ang barter o palitan ng mga produkto o likas na yaman. Isipin mo na lang kung sasakay ka ng jip tapos magbabayad ka ng manok sa drayber.
Istorya 1 (Dyipni ride)
Pasahero: Manong, bayad po oh diyan lang sa may kanto. (Iaabot ang dalang manok)
Drayber: Ilan ‘to? (Kukunin ang manok at itataas)
Pasahero: Isa lang po.
Drayber: Teka lang ha. (Titingnan ang bayong at magbibilang ng mga sisiw) O, eto ang sukli mo oh. (Iaabot ang tatlong sisiw)
Pasahero: (Kukunin ang mga sisiw at isisilid sa bayong) Salamat po.
Istorya 2 (Holdap)
Naglalakad si Tasyo habang akay ang kanyang kalabaw nang biglang may holdaper na bumulaga sa kanya.
Holdaper: Holdap ito! (Itinutok ang dalang patalim) Akin na yang kalabaw
mo!
Tasyo: Ahhhh..Wag mo akong paslangin. Sige sa iyo na ang kalabaw ko.
Holdaper: Mabuti at masunurin ka, akin na yang tali at hihilahin ko na.
Inabot ni Tasyo ang tali ng kalabaw at hinayaan nang makaalis ang holdaper sa takot na baka masaksak siya nito. Agad nireport ni Tasyo sa mga pulis ang pangyayari.
Pulis: Saang lugar ka hinoldap?
Tasyo: Diyan lang po sa may kabilang kanto.
Pulis: Hindi pa iyun nakakalayo. Men, get ready! We’re going
to find that bastard! (Tumakbong palabas ang mga pulis at hinanap ang salarin.)
Naabutan ng mga pulis ang holdaper na hirap na hirap hilahin ang kalabaw, nanginginain kasi ito sa may damuhan at ayaw magpahila dahil iba na ang taong umaakay sa kanya.
Pulis: Freeze! (Tinutukan ng baril ang holdaper.) You have the right to remain silent!
Holdaper: (Tinaas ang dalawang kamay) O ayan na! Letseng kalabaw yan!
Ayaw magpahila!
(the end)
Mas magiging maganda siguro ang buhay kung wala na lang pera. Mas mainam sigurong tingnan kung hindi pinapatakbo ng pera ang ating buhay. Wala na sigurong corrupt kung walang pera. Pero kahit ilang ’sana’ ang ‘kung’ ang isulat ko, alam ko na hindi na mawawala ang pera sa mundo. Nasa konsepto na lang ng tao kung paano niya gagamitin o kokontrolin ang pera.
At kung ako ang tatanungin niyo mas gusto ko na palagi akong may pera. Kaya nga andito pa rin ako sa kumpanyang ito. Alam ko darating din ang araw na hindi na pera ang magpapatakbo ng buhay ko. Darating din yun. Sa ngayon, sasabayan ko muna ang kanta ng the beatles…
The best things in life are free
but you can keep them for the birds and bees
Now give me money
That’s what I want
That’s what I want, yeah
That’s what I want
Rakenrol! Yeah!
backup vocals…
thats… what i want… thats…. what i want…. hehehe
kaya mabilis ang araw sa buhay empleyado dahil hindi natin napapansin akinse at atrenta na lang lagi ang hinihintay natin. di natin namamalayan ilang taon na pala tayong ganon nang ganon.
kapag marami na kong pera ay magtatayo ako ng foundation, pagaaralin ko na yung mga kaibigan nating ‘out of shool youth’ sa bandang pasay at quezon ave. =D
money.. is that what ya want? that’s what i love!
di ko alam ang kantang yan. makilala nga…
sabi ko na nga ba, MALAKI ANG SAHOD MO SA KUMPANYA MO!… base sa lumang entry mo yun ha…kaya nga hindi mo maiwan ang kumpanya mo…
at bakit ke aga aga kanina eh online ka…kakamulat pa lang ng mata ko at hilam pa sa muta eh naglalambing ka na sa kaseksihan ko…
iba talaga ang nagagawa ng alindog ko sayo jeck!
sabi ko na nga eh…sige…sasamahan na kita mag giggolo pag ka graduate ko…lols =)
–
hakhak
sinu bang ayaw kay pera
hakhak
mismong mayayaman nga eh hayok p rin jan
hakhak
elyens
XXXxx
hahaha.. jeck, ang copywriter, ang trabaho talaga nyan e mag edit.. ahahaha..
wala lang.. ang pagiging copyeditor mo, ay level higher ng copywriting… kumbaga, ikaw yung nageedit ng inedit na.. but this time, you make sure na di lang grammar or sentence construction ang tama, kundi ang lahat ng specifications ng client :p yun ang pagkakaalam ko dyan ha?!
ako rin, i want money!! kahit walang boylet, basta pera meron!hahaha
nice post dude! payday mo pala, eb na tayo pre! lols!
Gusto ko din ng maraming pera. Para masimulan ko na yung binabalak kong foundation for the street kids.
(Totoo. Walang punchline. *LOL*)
nung minsan may nag tanong sa akin million dollars o to find your true love.. ang sagot ko MILLION DOLLARS! aba bakit ako ang mag hihirap humanap ng true love, sya mag hanap sa akin! (teka parang ang labo.. basta ganun..)
sino ba naman ang ayaw ng pera. tama ka, mahirap kumilos ng wlang pera. kaya ingatan natin ang ating mga kabuhayan.
sige, plurk este work muna ako.. hehe..
basta, kapag mayaman ka na, wag mo ko kakalimutan ha! ilagay mo ako sa last will and testament mo, gawin mo na din akong beneficiary mo sa lahat ng insurance na meron ka.
hihihi!
who doesn’t want money ba? yung mga tao lang na marami nang pera. hehehe.
i love that beatles song too! kahit ako ayoko na rin mag-work. sabi ko magpapaka-housewife na lang ako. kaso mo, nagsu-sustento pa ko sa mga magulang ko e. can’t afford. besides, wala ako pambabayad sa mga utang ko kung titigil ako magtrabaho.
at titigil na rin ang mga shopping/eating out/drinking out eklat ko. kuripot si hubby. hahaha.
Money is the source of happiness and the root of all evil. >> hindi naman source mali ata yun… siguro leverage mo lang pag madami ka pera..
money, money, money!!! haizz!!
hakhak, emo-emohan ka naman jeck. don’t tell me basang-basa ka rin sa ulan at walang masisilungan. ahehe
try to find ways para sumaya ka naman sa workplace nyo. hanap ka ng chiching para naman may libangan ka jan. hehe. gusto palit muna tayo ng trabaho para maranasan mong magsulat at maranasan ko namang mag-edit. hehe
greenpinoyer na din ako…di nga lang masyadong active. hehe
@Mang badoy: Happiness is subjective.
oooohhh. lalala… ooooohhhh. lalala.. ako ang backup ng backup sa kanta mo.. wahahaha…
midlife crisis ba ang tawag dito? hehehe..
mahirap talaga maghanap ng trabaho na makakapagpasaya sa’yo..
nakow!!! siguradong mas mahihirapan ako balang araw..
kapag ang pera naging barya, may gumastos.
alam nating lahat na parte na nang buhay ng tao ang pera at iyan ay isa sa mga salik sa ating pagsurvive at kailanman ay hindi mawawala. yun nga lang, hindi dapat natin hayaan na sakupin tayo ng pera. dapat lamang na manatili lamang itong instrumento sa ating pang araw araw na pamumuhay.
Ganyan siguro talaga… Ang Pera may Mukha ang Tao mukhang Pera…. LOL
oi april boy bakit wala ka pang bagong entry? nang gugulo ka na naman sa bahay ko?????
isa pa. kailangan mo ng pera pandeyt!
sabi nga ni george:
i got my mind set on you…
and it’s gonna take money,
a whole lot spending money..
ayus. betols!
nasisiyahan ako magcomment dito dahil parati akong may reply..
mwah mwah mwah..
hehehe
“alam ko na hindi na mawawala ang pera sa mundo. Nasa konsepto na lang ng tao kung paano niya gagamitin o kokontrolin ang pera.” ayos to ah.hehe.. pera nga talaga ano? haay.. buhay.