With great money comes great responsibility

14 07 2008

TAMAD akong tao. Hindi ako gagawa kung wala rin naman akong mapapala. Sino bang hindi? Wala naman sigurong taong tanga na gumagawa ng isang bagay pero wala naman palang makukuhang kapalit. Kahit naman siguro yung mga volunteers sa mga NGO e may napapalang kasiyahan sa puso nila kahit wala silang kinikita. At yun ang bumubuhay sa kanila.

Sa kaso ko, hindi ako nagkakaroon ng matinding motibasyon sa isang bagay na ginagawa ko kung wala akong makukuha. Sabihin na nating gaya ng pera. Sa katunayan, absent ako ngayon sa trabaho. Bakit? Wala lang. Ayaw ko lang makita yung pagmumukha ng mga taong nag-aalipin sa akin sa opisina. Buti sana kung kamukha sila ng mga napapanood ko sa red tube. Kung gasing ganda ba ni boss si Alison Angel e di alas singko pa lang ng umaga nasa opisina na ako at masayang nagwawakoff. lols

Ilang buwan na rin akong nagtiis. Lampas isang taon na. Matapos kong ma-regular at mabigyan ng mababang rate e nag-alburoto na rin ang butse ko. Ewan ko. Sa tingin ko hindi ko kayang ibigay ang isandaang porsyento ng talento ko sa aking kumpanyang mahal kung hindi rin nasusuklian ng tama ang pagtatrabaho ko. Kung tutuusin, kaya kong kumita sa ibang kumpanya o eskwelahan ng kagaya sa team leader ng group namin. Yung sweldo na magkakamal ka ng limpak limpak na salapi. Yung doube-digit kada payday ang lalabas sa payslip at ATM mo. Yung sweldo na makakaya mong ipagmalaki sa mga kaibigan mo kung magtatanong sila at hindi yung paiwas na sagot na “Basta, above hikahos ang sweldo ko.”

Sa totoo lang, kung hindi ako nagpalipat-lipat ng trabaho noon malamang nakakarating na rin ako sa iba’t-ibang bahagi ng Asya o tate. Nagpapadala kasi noon sa ibang affiliates ang kumpanyang pinagtatrabahuhan ko at isa ako sa mga maswerteng pinapadala ng kumpanya. Yun nga lang dahil sa pagbabago, naisipan ko rin umalis at maghanap ng iba. Kaya kong patunayan na kaya ko.

Ang tanong ko ngayon: Sapat ba ang binabayad sa akin ng kumpanya para gawin ang trabaho na ‘to?

Hindi ko na rin sila tatanungin isa isa. Hindi na ako magsasalita. Sisiguraduhin kong maibibigay ko ang resignation letter ko sa lalong madaling panahon. Nakakasawa na. Kailangan ko nang humanap ng mas magandang opurtunidad at tigilan ang pagiging bitter sa opisina araw araw. Tae sila. Hahayaan kong sila silang matataas ang sahod ang maging abala sa nakakasawang trabaho. Hmp. Tingnan ko lang kung may mauto pa sila. Kung alam lang nila, para akong nag-ayos ng isang sirang eroplano na binayaran sa halagang kinikita ng isang magtataho.

Ayaw ko na. Aalis na talaga ako. Wala rin akong naiipon sa mahal ng pasahe at baba ng sahod. Last na ‘to. Maghintay lang silang makahanap ako ng lilipatan. Humanda sila. Teka lang. Ano nga bang aaplayan ko? Saan ako mag-aaplay? Teka… Tiis na lang muna. Tae yan.


Mga Tugon

Kaalaman

5 sumagot

14 07 2008
beero

ako una? hehe. minsan nararamdaman ko din mga himutok mo. hehe. pero andito pa rin ako hanggang ngayon. siguro nga nakukuha na rin sa tiis yan. hehe

14 07 2008
ayz

oo! mahal na pamasahe! tae!

15 07 2008
gasti

taena! 105 pesos pamasahe ko balikan sa isang araw…tiis ka na lang muna dyan hanggat wala pang nalilipatan

15 07 2008
BADoy

pareho pala tayo lilipat din ako good luck satin.. and hope we find a good paying job pero right now i am still kissing their ass coz wala pakong sure na malilipatan.. :)

16 07 2008
chroneicon

siguraduhin mo lang na kapag nagresign ka na, nakaganti ka na sa lahat ng may atraso sa iyo diyan sa office mo hehe…

Mag-iwan ng puna