DALAWANG sakay na lang, makakarating na ako ng bahay at makakapagpahinga. Pagod na ako sa byahe. Apat na sakay. Isang jeep, isang tricycle, at dalawang bus, nakakaubos ng lakas ang byahe pauwi. Tinagtag na lahat ng kulangot ko sa alog ng sasakyan at nalamog na ang betlogs ko sa kakatalon ko sa upuan. Laging ganito ang nararanasan ko tuwing gabi. Nagbibilang pa ako sa isip ng aking kaperahan nang sumenyas ang konduktor sa babaaan. Nagmadali akong bumaba ng bus. Putangina, ang laki talaga ng itinaas ng pasahe. Yung dating 28 mula Buendia hanggang Las Piñas e 40 na ngayon. Saang butas ng kuyukot ko kukunin yung ganung kalaki na itinaas. Nung unang beses nga akong siningil ng kondutor ng ganun, gusto ko syang hamunin ng suntukan. Mamarkahan ko sana yung mukha nya ng kwarentang butas. Pero hindi na rin ako nakaangal. Ganun talaga ang buhay, lalo na pag nasa Pilipinas ka. Habang naglalakad patungo sa sakayan ng dyip, nakayuko akong nag-iisip. Dalawa lang ang tanging paraan na pwede kong gawin para makatipid. Una, ang maghanap ng ibang trabaho na magbibigay ng mas mataas na sahod. At pangalawa, ang humanap ng boarding house na malapit sa opisinang pinapasukan ko. Sa ganitong paraan, hindi ko poproblemahin ang budget sa pamasahe.
Nakayuko pa rin akong naglalakad at minamasdan ang dinadaanan, baka sakaling may mapulot akong pera. Ganito naman ako lagi, kahit sa panaginip madalas akong nakakita ng pera sa daan. At sa tuwing gigising ako, daig pa ang sayang nararamdaman ko sa mga wet dreams na kasama ang mga teletubbies na nakalampungan ko.
Malapit na ako sa may palengke, sa may mga kariton ng mga nagtitinda ng prutas. Maingat kong nilalapat ang aking panigin sa kalsada dahil medyo madilim. Malapit sa isang kariton na may mga saging, may nakita akong isang papel. Gusot na maliit na papel. Medyo malayo pa ako pero nakikita kong mukhang bago. Kinilatis ko sa di kalayuan. Habang papalapit, lalo kong nakikita ang kulay ng papel. May nakatayong lalaki sa tapat nito pero hindi nya pinapansin. Malapit na ako. At pagtapat ko, tiniyak kong hindi lang simpleng papel ang nasa harap ko. Isandaang piso. Bumilis ang kabog ng dibdib. Tinapatan ng kanang paa. Yumuko nang mabilis. Dinampot. Nang inunat ang katawan, nakita kong nakatingin ang lalake sa hawak ko. Mabilis akong naglakad palayo papunta sa sakayan. Pera. Isandaang piso. Ang swerte ko naman. Madami na rin akong magagamit sa perang ito. Sa isandaan, pwede ko nang ilibre si Labidabs ng N2 sa Jollibee. O kaya bilhan ko sya ng dalawang Frost Blends para sumaya naman ang pagpupuyat nya sa trabaho. Sa isandaang piso, pwede ko nang maibili ang sarili ko ng mga dalawang donuts sa Krispy Kreme o kaya madaming donuts sa Dunkin. Sa halagang yun, pwede na rin akong bumili ng happy meal sa McDo at magkaroon ng libreng laruan. hehe. Pwede na rin yung pamasahe na aircon bus ang sasakyan ko balikan. Pwede ko ring ipambili ng chicken skin sa tabi-tabi at kakainin ko lahat hanggang pag-uwi. Medyo madami na rin akong mabibili sa abot ng isandaang piso.
Hindi pa ako gaanong nakakalayo nang may narinig akong sutsot sa aking likuran. Binilisan ko ang lakad. Lumakas ang sutsot. Naramdaman kong may humahabol sa akin. Bwakanangina, mukhang magiging bato pa ang pera ko. Mabilis kong ipinasok sa bulsa ng aking jacket ang isandaan. Hindi ako aamin. Hindi ko ‘to ibabalik. Hindi pala ibabalik. Hindi naman sa kanya ‘to e.
Naalala ko pa nung bata ako, may napulot akong kumpol na perang papel sa tapat ng bahay namin. Siguro, nagkakahalaga ng dalawang daan yun. Tig-bebente at tig-sasampu. Dahil sa walang alam, pinagtanong ko sa mga tambay sa amin kung kanino ang pera. May isang kapitbahay ang umangkin. Sa kanya raw yung pera. Binalik ko. Huli na nang malaman kong hindi pala talaga sa kanya yung pera.
Natuto na ako. Kung walang pangalan, kung walang ebidensya, kung hindi ko nakita kung kanino talaga yung pera, hindi ko ibabalik sa nang-aangkin. At ngayong gabi, akin ang isandaan ito. Akin lang. Akin. Mine. Period. Amen. Sya Nawa.
Nag-isip na ako ng paraan para hindi niya makuha ang isandaan sa akin. Ipagtatanggol ko ‘to. Sasabihin kong ako ang nakakita at nakapulot. Stib; finders keepers. May laway ko na. Pag nagpumilit ang gago, pipilitin ko syang maglabas ng ebidensya. Papabigkas ko sa kanya yung serial number ng pera. Ano yung palatandaan nya o kung kaninong mukha yung nandun. Bakit nya hinulog? Bakit hindi nya nakita kaagad e nakatayo na sya dun kanina pa? Kung nagpumilit pa, sasabihin kong bente pesos lang yung napulot ko, hindi isandaan. Ayos na. Hindi ko ibibigay.
Naririnig ko pa rin yung sutsot. Papalapit at papalakas nang palakas. Binilisan ko pa rin ang lakad. Isang malakas na ‘hoy!’ ang isinigaw ng humahabol sa akin. Eto na ‘to, kung magpupumilit pa ang loko, alam ko na ang gagawin ko. Pupunitin ko ang isandaan sa harap nya at itatapon sa ere habang tumatawa. Walang makikinabang sa amin. Patas lang. O kaya bobolahin ko at itatapon ko sa malayo sabay takbo sa dyip habang natawa. Mahirapan syang maghanap. Gago sya.
Malapit na ako sa dyip. Malapit na sya. Malapit na sila. Hindi lang pala isa ang humahabol sa akin. Marami sila. Napatigil ako. Tumingin sa likod. At nakita ko ang mga mukha ng mga gahamang sabik sa nahulog na isandaan. Putangina, ang papanget nila.
“Pare, sa akin yang isandaan na napulot mo” sabay pakita ng mga hawak nyang pera na nakasalansan sa kanyang kamay.
“Nagbibilang ako kanina nang mahulog yan” sabi ng lalaking kamukha ni Ungga Ayala na inunat lang ng konti sa height.
Pinagmasdan kong maigi ang hawak nyang pera. Unat lahat. Maayos ang pagkakasalansan. Bakit yung isandaan na napulot ko e gusot-gusot? Malaking kasinungalingan.
“Sa iyo ba ‘to?” sambit ko na may halong galit at paninindak.
“Oo!” umuusok pa ang ilong nya habang lumapit ang mga kasama nya sa akin at umaamba na.
“Okey” habang inaabot ko ang pera.
Sa loob loob ko, putangina, isandaan lang e para kayong papatay ng tao. Hindi ko ibubuwis ang gwapo kong mukha na makipagbasagan sa inyo dahil luging-lugi ako. Wala namang mawawala sa inyo. Mga panget. Sabay talikod sa kanila at sumakay na ako ng dyip.
“Tatanga-tanga ka kasi magbilang” sabat pa ng isa sa kanila habang kausap si Ungga na nakangisi.
Pagsakay ko sa dyip, isang matandang babae ang kumausap sa akin.
“Hindi sa kanya yung pera na ‘yun”
“Oo nga po e. Ang tagal nyang nakatayo dun sa pwesto na yun e hindi pa nya nakita yung pera. Nung pinulot ko, dun nya lang ho napansin.”
“Hayaan mo na.”
“Oo nga ho. Isandaan lang yun. Kaya kong kumita nun wala pang isang oras sa trabaho. Hayaan ko na lang silang mga gago sila kesa sa naman sa mapaaway pa ako.”
Moral lesson: Huwag magpapahalata ‘pag dumadampot ng pera. May mga unanong nanonood.
“Oo nga ho. Isandaan lang yun. Kaya kong kumita nun wala pang isang oras sa trabaho. Hayaan ko na lang silang mga gago sila kesa sa naman sa mapaaway pa ako.”
tama ka nga dun jeck…wag mo isugal ang gwapo mong mukha para lang sa isandaan…tsk! isang minutong pagtratrabaho mo lang yan sa kumpanya mo diba?
bwahahaha…
hamo na yun, ten folds ang balik sayo ng pagpaparaya!
di nga? may nabibili pa pala an isang daang piso.. potah! Saka hindi sapat sakin yung N2 sa jolibee.. so kulang na kulang na kulang talaga.. Dati rati ang layo na ng nararating ng 100.. ngayon potah. Wala na nga atang pokpok na nagpapatira sa halagang isang daan lang eh..
tama isandaang piso lang..kacheapan na pumatol sa mga panget na hayok sa pera..kung isanlibong piso napulot mo wag ka na maglakad..diretso takbo agad at sabit sa jeep kahit ibang byahe.
sidewalk vendor ba sya pre? isumbong mo na lang sya sa sidewalk clearing operations ng mmda.. legal pa ang revenge mo. hehehe…
ang dami dami mong naisip na gagawin kapag hiningi sayo ang isang daan, isang mahinahon na ‘okey’ lang pala ang sasabihin mo. hahahaha! kumakabog pa naman ang dibdib ko habang binabasa kala ko may action sa huli. hahaha!
hindi ka ba kinabahan na baka may hidden camera sa paligid? baka mapanood kita dito sa ‘noypi noypi noypi noyyy!’. hahaha! maging international ang beauty mo!
ahahaha..oo nga baka nga andun si gabe mercado..bwahahaha…taartits na si jakol!
ahehe, da best pa din an morals!
ahaha! tama tama! dapat yun pinakadiscreet, wag magmadali, o kaya sana hinulog mo yung jacket sabay pulot.
dapat may dala ka ding pendulum, tas ihypnotize mo yung nagbabalak. ahaha! hypnosis! leste! lokohan! ahaha!
flyfly!
jeck, ingatan mo ang beauty mo. bibihira na lang ang mga mukhang katulad ng sa iyo. dalawangred lang yan! hehe…
@ rj – may noypi pa ba? dko na napapanood e. anong timeslot na sya?
Ang tagal ko nang hindi nakapulot ng pera ah. Ang huli ko ata eh sampung pisong Apolinario Mabini pa. Pucha! Antagal na nga! Ahuhuhu.
angkinin ba?
ahehehehe
asust
ang kakapal ng mga mukha ng mga a holes na yun!!nagdala pa ng kasama? Da pak!ang babakla…naiinis akO! indi lang sa story mo pati pa sa fonts mo..palitan mo naman…nakakainis…nagluluha ako ng dugo sa liit..aha ha ha..
oo nga..hayaan mo na yung 100..jusko..isang lick lang yan sa costumer…ha ha ha…titinda nalang kita bukas…
ayan..sumakit naman ang puso ko dahil nahayblood sa post mo..gusto ko silang dalhan ng isang libo…sasampal sa butas butas na mukha nila~!
pero joke lang..play money lang ang isasampal ko..
sabay saksak sa adams apple nila!!
bayad sa lamay!aha ha ha
hayuf! Kala ko pa naman ipagtatanggol mo talaga ang isang daan.. pero, ayos na din na hindi. kasi nga naman sayang ang pogi face mo. lugi ka kung talagang kamukha siya ni ungga! hehhe!
ingats lang! babalik yun, ten folds!
may araw din siya dude…
may karma siya sa next life niya :lol;
sana pinunit mo na lang talaga tas pag wala na sila eh damputin mo ulit at iscotch tape na lang wahaha pero oo hayaan mo nga kasi di din naman talaga sayo din yun lolz
@chrone, di ko alam kung meron pa ng noypi pards, kapuso lang kasi meron dito samin. hehehe
e patawag na natin ang mga tropa natin sa wordpress ng mabigyan yan ng leksyon… daanin na natin sa kakisigan at kagwapuhan…
bigay mo na sila sa akin!
hindi ko sila tatantanan!
uubusin ko lakas nila
kamusta po.
Diba dapat violet? Bakit blue? Ahaha.
*Note, this is a micro blog*
Dati nakapulot ako ng 50 pesos sa station ng LRT. Sakto namang may tumutugtog na mga blind guitar people dun. Ganun din ang eksena. Sa paa pa ng gwardya ko napulot at muntik pang masipa ng mga pasahero ang kamay ko nung pinupulot ko. Ang bubulag nila. Bago din at nakatupi lang ng konti yung pera. Malutong pa.
Paakyat na ako ng hagdan papunta sa tren nung naisip kong hindi pala sa akin ito, at nandun ang mas nangangailangang mga tao sa harap ko, yung mga bulag na rockers. Eh di ayun, hinulog ko yung fifty pesos kahit na meron naman akong bente pesos sa bulsa ko.
Nung hapon na pauwi ako, pagsakay ko sa jeep naisipan kong umupo sa likuran ng drayber na hindi ko naman usually ginagawa. Habang papalapit ako sa unahan, nakita ko ang kulay bayolet na papel na nakalapag sa tabi ng container ng langis na ginawang basurahan. Syempre di naman ako kagaya mo na nahahalata sa pagdampot, pinulot ko discreetly at sabay lagay sa bulsa. Nadoble ang ibinigay kong biyaya sa bulag.
Ayun, may pangmeryenda ako nung hapon. Waffle Time!
*Lesson: Kung makakapulot ng isandaan at malapit sa kahit kaninong mapapagbigyan, tulad ng pulubi o simbahan, ibigay agad.