Some good things never last; like blogging at work

31 07 2008

Dumating na ang araw ng katapusan. Di ba 31 ngayon? So katapusan na. hehe. At tapos na rin ang maliligayang araw ko nang pagba-blog sa opis. Dito na lang ako sa bahay makakapag-blog at yun ay kung meron akong oras. Hirap din kasi ng dalawang oras ang byahe mo mula opisina pauwi kaya minsan pagdating sa bahay, bagsak na rin agad sa kama. Itutulog ko na lang yung natitirang oras ko.

Hindi na rin ako masyadong makakapag-blog hop dahil monitored sa opis lahat ng sites na pinupuntahan namin. Pakshit talaga. Mas masakit isipin na hindi na rin ako makapag-log in dito sa blog ko. Pakiramdam ko kahapon may ibang taong nag-lock ng sarili kong bahay at hindi na ako makapasok. Ang tanging nagawa ko lang e sumilip sa bintana at tanawin kung sino yung mga nagkomento. Taenang blogging life yan. Asshole.

Kung patuloy na magiging ganito ang sistema, sabi nga ng ibang opismeyts ko tanggalin na lang nila ang Internet. Tutal, wala rin namang silbi. Para rin kaming pinaamuyan ng bagong lutong chicken pork adobo pero hindi namin pwedeng tikman o kainin. May Internet nga pero restricted naman halos lahat ng sites. Tae yan. Work-related? Eh kung sabihin nating work-related yung pagtanggal ng stress sa tuwing magbabasa ako ng joke sa Greenpinoy. E di nakatulong pa yun para mabuhay ang dugo sa nakakasawang dokumento sa opisina.

Tama na. Masyado na akong madaming sinasabi. Wala rin namang mangyayari. May natutunan lang din ako sa mga naganap. Sabi sa librong nabasa ko, ang pagbabago ay hindi dapat ino-over analyze. Kung hindi ka na masaya, umalis ka. Maghanap ka ng bagong kesong magpapasaya sa iyo. At sa kabila ng lumalaking budget ko sa pamasahe, sa nakakasawang meeting sa opis, sa nakakatamad na project, sa nakakapanghinang liit ng sweldo ko, lalong lumakas ang loob kong mag-resign. Nararamdaman ko na eto lang talaga yung magpapaalis sa akin sa kumpanya, lalo na nung naka-blocked na ang blog ko. Lagi ko ngang naririnig sa likod ko si Ate Vi na nagsasabing: Ngayon ang panahon ng pagbabago!

So intindihin nyo na lang kung hindi na rin ako masyadong makakapag-post dito. Pero sisikapin kong lagi akong mag-a-update pag nangangati akong mag-blog.

Sa mga gustong makabasa ng ‘Resbakan Taym’ e-mail nyo na lang ako sa eradic8s_27@yahoo.com. Kailangan ko kasing i-moderate yung post na ‘yun dahil medyo vigilant na ako. Salamat.


Mga Tugon

Kaalaman

11 sumagot

31 07 2008
popoy

maswerte pa rin pala kami dito sa opisina at HINDI pa, take note, HINDI pa naboblock ang blogger at plurk. hindi rin naman kasi ganun kadamot ang mga IT dito. pag tinopak lang sila, dun lang hehehe. :)

Jeck, sana eh madalas ang pagupdate.

Tma ka, bakit ka magsstay sa isang bagay kung hindi ka na masaya? Be responsible lang sa gagawin mong aksyon regarding sa pagreresign mo :D

jeck: thank you sa encouragement, popoy. maswerte ka nga, sa opis pati plurk naka-blocked na. may naisip akong paraan para lagi akong makapag-update. sa opis ako magsusulat ng madaming post, tapos save ko na lang sa email at sa bahay ko na lang i-pa-publish. hehehe

31 07 2008
beero

napaka-influential talaga ni ate V, sya pa talaga naghikayat sayong magresign jan. hehe. minsan ganyan din ako, lalo na ngayon na napakahirap ng project ko ngaun sa opis. buti nga lang di blocked WP at ibang sites.


jeck: gusto ko na nga ring gumamit ng ariel sa paglalaba e. hehe

31 07 2008
Leyn

wa. hiatus? pano na yan, may kontrata ka pa samin. hehe.
o sha, anlungkot naman ng balitang yan. resbakan mo nalang IT dept nyo. hehe.


jeck: hindi naman hiatus. medyo madalang na lang ako magpo-post. nga pala baka sumama ako sa sabado sa bday ni axel. sasama kami ni mariano kung di daw mawawala si axel. lols.
dun na lang yung kontrata pag natuloy ako o sasama kayo. hehe

31 07 2008
R.J.

naku nakakagigil nga yan tsong. buti pa ngang wala na lang internet kesa meron nga, restricted naman karamihan. mabait pa pala yung dati kong kumpanya, walang internet. hahahaha!

jeck: sa dati kong kumpanya, walang internet sa floor pero may libreng internet sa pantry. astig yun. pwede kaming mag-browse ng porn nang walang bisor lalo na pag night shift. hehe

1 08 2008
Maldito

kawawa naman ang munay…

i feel ur frustrations…

gaya ko din dati ikaw…isang adik sa surfing and blog..

pero pinagsigawan ko ang karapatan ko…at karapatan ng mamayang pilipino..

indi tama ang ginawa nila..

resign ka na jeck!hanap ka ng ibang work!

sales boy!

jeck: pwede! hiring ba dyan sa Cebu! sama sama na tayo dyan. lols

1 08 2008
antuken

ako naman, di ko rin magawa talaga mag-blog sa office. kaya kalimitan dito sa haus. unless nasa night shift ako at wala ang mga boss ko. kaso mo blocked din most sites eh. i could open wp there pero panget ang load ng pages. parang puro text lang.

ang problema ko naman, nagseselos ata si fafa sa attention na binibigay ko pagbisi-bisita sa mga blog. kaya nga minsan, nae-enjoy ko na magkaiba kami ng shift (minsan lang yun ha. kse shempre, mas masarap ang *toot toot* kesa sa blogging ano, eh nagagawa lang namin yun shempre kung pareho kami ng shift ng work, hehe).

i sooo want to go to axel’s bday party. kaso, as usual, di pwede kay fafa. di na raw ako dalaga. hmp.

jeck: nakakapagbasa pa ako ng WP sa opis kaso lang panget din ang load ng pages. parang MS Word lang. di ako nakasama sa bday party ni axel. :(

1 08 2008
gasti

ang panget talaga nung pakiramdam na hanggang tingin at amoy ka lang tapos di mo pwede dilaan..tsk tsk.

jeck: sinabi mo pa. teka. iisa ba tayo ng iniisip??? LOL

1 08 2008
aga

isip isip muna parekoy!
pero tama ka kung hindi kana masaya and feeling ndi kana productive in both sides eh aba mag alsabalutan kana, pero make sure meron kanang nakuhang bagong trabaho eh kung wala naka nang mahirap yan! :)
alam ko naman yakang yaka mo yan! good luck! :)
asust

jeck: tama ka dyan. dati kasi nag-resign na rin ako e pero wala pa akong new work. nahirapan akong makahanap ulit ng work nun. kaya ngayon, alalay muna ako. pero kung kailangan na talaga, tangina magko-call center na ako. bwahahaha!

2 08 2008
rimewire

hakhak

hawsad

hakhak

eh di magproxy ka

hakhak

elyens

XXXxx

jeck: by category ang filter sa opis kaya kahit anong proxy basta proxy eh blocked na rin. tsaka kahit makapasok ako, monitored ang sites.

4 08 2008
BADoy

sabay sabay tay0ng mag resign… may interview ako mamaya sana pumasa!!! good luck satin lahat!

4 08 2008
chillidobo

jeeeeeckkkkhhh…waaaaaahhhh…bakit mo kami iniwaaannn!!!! (ngawa)(utot)

totoong some good things never last. gaya ng dighay. it’s so good pero di nagtatagal. (utot)
totoong some good things are better done at home. gaya ng pagteteb–oltennis (utot)

kaya mo yan jeck! post ka parin!
saludo sa yo,
chillidobo

Mag-iwan ng puna