Ayan. Ngayon lang ulit ako nagkaroon ng oras para makapag-update nitong blog ko. Ang totoo nyan, nag-work from home ako ngayon. Sa trabaho ko kasi, pag tinamad ka pwede mo na lang gawin sa bahay mo yung trabaho mo. At dahil tinatatamad pa akong magsimula sa trabaho naisipan kong mag-post muna nang mabilisan kahit sobrang bagal nitong PC na na-rent ko.
Ano na nga bang nangyari sakin simula nung pinost ko yung mubi rebyu tungkol kay Azumi at lumipat kami ng opisina mula 42nd floor hanggang 2nd floor na lang. Madami. Natuto na akong tumawid sa baha ng Makati kapag biglang bumuhos ang malakas na ulan. Natutong makipagtawaran sa mga sidecar drivers para maitawid ka lang sa kabilang kalsada at makaiwas sa mas malalim pang baha. (Lampas ulo kasi ang baha sa may Pasong Tamo — lampas ulo ng tite.) Natutong huwag masyadong malikot sa bagong opisina dahil masasanggi mo ang pwet ng katrabaho mong isang kulangot lang ang layo sa iyo. Mukha kasing internet shop yung opisinan namin. Parang netopia na alisin mo lang yung divider. Makailang beses ko na ring nasanggi yung tumbler ko at nakatapon ng tubig. Natuto rin akong magtiis sa pangangati ng mga daliri at utak ko sa pagba-blog dahil walang internet sa bago naming opisina. Pakshit talaga. Kaya napabayaan ko na ‘tong walang kwenta kong blog. Sa awa naman ni Papa Jesas, nadiskubre naming pwede pa rin pala kaming mag-intarnets sa opisina. Patago nga lang at sa kamalas malasang pwet ng demonyo, katapat ng station ko yung pintuan ng IT sa opis namin kaya hirap pa rin akong sumilip at mag-blog. Mga ilang weeks pa, makakaporma rin ako. hehe
<Trabaho muna….>
Ayan. Tapos na rin ako sa binahay kong trabaho. Magdadagdag lang ako ng konti. Update nga rin pala sa buhay ko. Wala lang. Gusto ko lang isulat ‘to at hayagan kong sasabihin sa blog na ‘to. Mahirap na baka dumaan pa dito yung bubwit na yun balang araw at magtanong sa akin kung bakit wala akong post tungkol sa kanya. Sya nga pala, first time kong mag-celebrate at batiin ng happy father’s day. At masaya kong sasabihin na naging masaya ang paghihintay ko. Ka-birthday pa ni john lloyd yung munting anghel ko. At dahil din dyan, pansamantala ko munang iiwan ang blog na ‘to. O kung papalarin, hindi ko na talaga babalikan. Sa iba na ako magkukuta para mas exciting. Basta dun na lang ako sa kabilang blog ko magpapaliwanag.

Nakihati sa mamon